Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Kakalabas lang na “Darna” trailer, umani agad ng 4 million views

Talaga namang todo na ang excitement para sa nalalapit na “Mars Ravelo’s Darna” series ng ABS-CBN Entertainment dahil sa umani agad ng pinagsamang 4 million views sa social media at sunod-sunod na papuri mula sa netizens ang official trailer nito na inilabas noong Huwebes (July 7) ng gabi.

Pumalo agad sa 1 milyong views sa Facebook apat na oras simula nang in-upload ang 3-minute video clip at patuloy na pinapanood ng netizens kaya’t meron na itong higit sa 3 million views wala pang isang araw nang ito ay ilunsad. Meron na rin itong higit sa 700,000 views sa Twitter at 700,000 views din sa YouTube sa kasalukuyan.

Tampok sa inaabangang trailer ang pasilip sa buhay ni Jane De Leon bilang Narda, ang pag-eensayo niya kasama ang First Darna at ina na si Leonor na ginagampanan ni Iza Calzado, at ang karanasan ni Narda tungo sa pagiging makabagong Darna. Napanood ito pagkatapos ng TV Patrol at uploaded din sa social media accounts ng ABS-CBN Entertainment.

Nanguna naman ang hashtag #DarnaTrailer sa trending list ng Twitter Philippines at patuloy na nagttrend sa kasunod na araw. Kasama rin sa mga pinag-usapan sa Twitter sina Joshua Garcia, Janella and Valentina, at Iza Calzado.

Nakatakda nang ipalabas ang serye sa Agosto. Pinangungunahan ito ni Master Director Chito S. Roño kasama ang iba pang director na sina Avel Sunpongco at Benedict Mique sa ilalim ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN.