Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

K To 12 , Mananatili

Nagbukas na ang klase, nagging masigasig ang kampanya ng  Department of Education (DepEd) sa pagpo-promte ng K to 12 Basic Education Program, subalit nanatiling tila hindi naiintidihan o nalilito ang mga magulang lalo na ang mga estudyante ukol dito.  Sabi nga ng isang ginang, na hindi namin malaman kung siya ba ay nanonood ng telebisyon o nakikinig man lang ng radio, bakit wala siyang alam tungkol sa nabanggit na bagong programa ng DepEd.  Ang sabi ng ginang na ang alamniya ay dagdag 2 taon sa high school subalit hindi niya alam na ngayong pasukanna pala magu-umpisa ang implementasyon.

Ayon naman sa DepEd, mayroon mang mga ganitong negatibong reaksiyon mula sa mga magulang at maga-aral ay hindi pa rin nila ititigil ang K to 12. Ayon kay Education Secretary Armin Luistro. Marami na silang nagawang preparasyon at ito ang pinaka-unang comprehensibong basic education reform initiative na nagawa sa bansa.-(Manila Bulletin)