Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Julia Barretto: Showbiz Royalty Princess is Out to Shine

Julia Barretto

Hindi na bago ang apelyidong Barretto sa mundo ng showbusiness. Kapag sinabing Barretto ay ang unang papasok sa isipan mo ay magandang mukha at mahusay na artista. Sina Gretchen, Claudine at Marjorie ay naging kilala sa showbiz noong dekada 80. Una silang napasama sa mga teenage films ng Regal Films. Viva Films at Star Cinema. Si Gretchen ay ipinakilala sa pelikulang 14 Going Steady ng Regal at si Marjorie ay napasabak naman sa mga comedy action movies kasama ang naging kabiyak ng pusong si Dennis Padilla at iba pang pelikula ng Viva films at si Claudine na bagamat hindi nag-umpisa sa pelikula ay kinagiliwan sa panghapong programa ng ABS CBN ang “ANG TV.” Ang bawat isa sa kanila ay naglagay ng magandang tatak ng apelyidong Barretto sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Ngayon, matapos ang maraming taong paghihintay, heto ay isa na namang Barretto ang nangangarap na makilala hindi lamang sa telebisyon kundi maaaring sa mundo ng pelikula sa hinaharap. Bata pa lamang ay nakitaan na siya ng magandang mukha at talento sa pag-arte na alam ng lahat ay nakuha niya sa kanyang amang si Dennis Padilla at sa inang si Marjorie Barretto.

Maganda si Julia at hindi maiwasang maikumpara siya sa kanyang tiyahing si Claudine. Maraming press ang nagtatanong sa kanya, ngayong may soap opera siyang ginagawa, ang Mirabella, at siya ang pangunahing artista, kung siya ba ay nape-pressure dahil ikinukumpara siya kay Claudine. At ang sagot ng dalaga ay hindi niya hinahayaang maapektuhan. “ I won’t let this affect me because my tita has been in the industry for so many years,”ani Julia. “You can’t compare somebody who has been in the industry for so many years to someone who has just entered. Hindi, hindi talaga maco-compare yun.”

Bago pa lamang si Julia sa showbiz at ipinakikilala pa lamang ay marami nang kontrobersiyang bumabalot sa kanya. Ipinapakilala pa lang siya ay marami nang kontrobersiyang naglabasan tulad ng malisyosong posts sa isang social media tungkol sa kanya at ang malisyosong photo scandal ng kanyang ina na ikinagulat ng kampo nina Marjorie at Gretchen. Nagwatak-watak ang pamilya Barretto at nasaksihan ng madla ang pangyayaring ito. Maraming naawa kay Julia dahil siya ang itinuturong dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat.

I don’t think it’s because of me,” lahad ni Julia, na ayaw nang manggatong pa. Inamin din niyang nami-miss niya lahat at ayaw manisi ng kahit na sino.

I love my family. I don’t wanna speak ill sa kahit kanino. Everything’s gonna be okay,” pag-asam pa ni Julia. “I miss everyone. I miss them all,” dagdag pa niya. Nagpapakita ng katatagan ng loob at ang lahat aniya ng kontrobersiyang ito ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon upang pagbutihin ang career at inaasahang mas marami pang pagsubok na darating.

Hearing these things parang di ako naapektuhan. Kasi nasanay na rin ako. This will prepare me. This is the first of many. I have to be strong ’cause I’m gonna go through much more, and the more I wanna push harder, the more I wanna be the positive light,” sabi pa niya.

Bukod sa kanyang inang si Marjorie ay masaya si Julia dahil todo suporta din ang ibinibigay ng kanyang amang si Dennis Padilla kahit na hiwalay na ito sa kanyang ina.

He’s very supportive. They’re both very supportive. Masarap ‘yung feeling to have the support of both parents,” pag-amin niya.

Sa kanyang kauna-unahang soap opera kung saan siya ang bida ay marami ang nage-expect sa kanya na kung hindi man malalagpasan ang kasikatan ng kanyang mga tita ay makakapag-ukit siya ng pangalan sa larangang kanyang pinasok. Tinatanong ng marami kug ano ang naramdaman niya nang ibalita sa kanya na si Enrique Gil ang magiging katambal niya dahil nag-react ang mga tagahanga nina Julia Montes at Enrique Gil ito ang magka-love team.

Well, I think as a fan it’s normal to feel that way. Pero there’s also no need to say harsh words kasi tao rin naman ako, and also, hindi ko siya binibigyan ng pansin because may ibang tao na gustong-gusto yung casting.”

I’m so happy to be working with Enrique because he is such a nice guy and he’s such a good actor. I’m learning a lot from him.”

I am excited, I am nervous. I am feeling everything all at once. Pero siguro more on excited kasi matagal ko na itong hinintay,” pag-amin ni Julia ukol sa kanyang soap na “Mirabella.” 

Julia B.

May nagtanong na sa pagtatambal ba nila ni Enrique Gil at sa soap na ito ay kung may kissing scene bang hihintayin ang mga tagahanga nila.

Bawal po, ayoko po kasi magmadali, e. Siguro habang tweenie-tweenie pa ‘yong projects doon muna ako, kasi hindi na ako makakabalik pag nagmadali ako, e.”

Maraming mataas ang ekspektasyon sa pinakabagong on-screen tandem nina Julia Barretto at Enrique Gil at may nagi-isip din kung mapapantayan ba ng tambalan nila ang loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Masaya sina Julia at Enrique sa pagsasabing umaasa silang makagawa ng sarili nilang career path. “We’re just doing our best,” lahad ni Enrique.May nagsasabing kadalasan ay nagkakaroon ng relasyon off-screen ang mga magka-loveteam subalit sabi ni Julia na mas gusto niyang mag-enjoy maging single at i-focus muna ang kanyang sarili sa pagbubuti ng kanyang career.

 

Sa kasalukuyan ay maganda ang rating ng Mirabella at masaya ang cast and crew ng nasabing soap opera. Kaya mas lalong pinagbubuti nila upang maging mas exciting ang istorya na kalulugdan ng mga manonood at taos puso ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tunatangkalik ng Mirabella gabi-gabi at nangangakong pagbubutihin pa nila para hindi magsawa ang mga manonood sa pagsubaybay sa kanilang teleserye.

Nakikinita na ngayon pa lang na malayo ang mararating Julia bilang artista tulad ng kanyang mga tiyahing sina Gretchen at Claudine at ang mga magulang na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

Sa puntong ito, pinupuri pa rin ni Julia ang kanyang mga sikat na tiyahin subalit may sarili aniya siyang game plan at yun ay maging siya at walang pamamarisan. Gusto niyang makilala siya bilang siya at hindi dahil siya ay isang Barretto. Gusto niyang makilala sa sarili niyang pagsisikap.

 

Welcome to showbiz, Julia!