Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Jodi Sta. Maria: Ang Muling Pagbabalik

Jodie Sta.Maria

Hindi natin malilimutan ang karakter ni Jodi Sta. Maria bilang Georgina “George” Fuentebella sa teleseryeng Tabing Ilog kung saan ito ay tinampukan ng ilan sa mahuhusay na talento ng ABS CBN at ngayo’y sikat na mga artista ng ating panahon. Kasama ni Jodi Sta. Maria sa naturang show na apat na taon ding kinalugdan ng mga manonood sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Baron Geisler, Desiree Del Valle, Patrick Garcia, Paolo Contis at Paola Peralejo. Naging para silang isang pamilya at nang matapos ang teleserye ay hindi naputol ang uganayan ng mga artsita dahil naging matalik silang magkakaibigan at mayroong komunikasyon kahit nagkaroon na ng sari-sariling buhay.
Si Jodi ay naging visible pa rin sa mga TV shows ng ABS CBN subalit dumarating talaga sa isang artista ang tinatawag na awkward age kung kaya’t naging mapili siJodi sa mga roles na kanyang ginampanan.
Ang pagpapakasal niya kay Panfilo Lacson II, na akala ng marami ay magiging tahimik na ito at tuluyan nang lilisanin ni Jodi ang showbiz lalo pa’t nagkaroon na sila ng anak na si Thirdy subalit hindi pala. Tulad ng sinasabi ng marami na kapag ang isang artista ay nag-asawa at nanahimik sa showbiz ng ilang taon at biglang bumalik ay mayroong dahilan. Dalawang bagay lang, either nami-miss nila ang showbiz ( na kadalasang idinadahilan ng mga artista) o hindi sila masaya sa kanilang naging buhay may-asawa.

Sa kaso ni Jodi, hindi man inamin ni Jodi angtunay na dahilan ay natumbok na rin ng mga tao sa paligid na may mabigat na dahilan kung bakit siya biglang naging visible at aktibo muli sa showbiz. Wala diumanong third party at nanatiling tahimik lamang si Jodi kahit biglang lumabas ang pangalang Iwa Moto na karelasyon ngayon ng kanyang asawang si Pampi Lacson.
Kung anu-anong intriga at paninira ang ibinuga ni Iwa laban kay Jodi subalit nanatiling tikom ang kanyang bibig sa isyu. Patuloy na lumabas ng iba’t ibang shows si Jodi at heto ay biglang nagkaroon ng isang project para sa kanya. Hindi man kalakihan ang mga artistang kasama niya ay laking gulat ng lahat ng pamunuan ng ABS CBN dahil sa pagbulusok nito sa pantanghaling ratings.
Ang “Be Careful With My Heart” ay ipinapalabas sa umaga bagong mag “It’s Showtime.” Ito ay tinatampukan din ni Papa Chen Richard Yap na ngayon ay mas kilala sa tawag na “Sir Chief.” Hindi inakala ng marami na magiging maganda ang chemistry ng dalawang stars na sina Jodi at Richard.

Marami ang nagulat at natuwa sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Be Careful With My Heart, ayon sa parehong surveys ng Kantar Media-TNS at AGB Nielsen.
Sa Kantar Media, ito na ang nangungunang daytime program, samantalang sa AGB Nielsen ay pumapangalawa ito sa Eat Bulaga!
Hindi inaasahan na ang isang pang-umagang serye gaya ng Be Careful With My Heart ay mainit na tatangkilikin ng tao, lalo na sa timeslot nitong late morning.

Nagpapasalamat ng lubos si Jodi at Richard sa consistent high ratings ng pinagbibidahang show. “Siyempre, napakasaya namin kasi alam namin na yung hard work namin is paying off. Yung puyat, yung halos gabi-gabing taping so, masayang-masaya kami na naging malugod at mainit ang pagtanggap sa amin ng mga viewers.

“Nagpapasalamat kami sa pagtangkilik nila sa Be Careful With My Heart. Tumutok lang sila dahil marami silang exciting at masasayang mga eksena na mapapanood,” saad pa Jodi.

Jodie Sta. Maria

FEELING THE PRESSURE

Hindi itinatago ni Jodi na may pressure siyang nararamdaman sa papataas pang ratings ng kanilang serye. “Sa totoo lang, mayroon,” patungkol niya sa pressure na nararamdaman. “Hindi biro, e, kasi parang nakakatakot na parang pataas nang pataas. “Parang, ‘Saan na tayo pupunta pag na-reach na natin yung todo?’ Yun ang nakakatakot.

“Pero lagi naming nire-remind ang mga sarili namin, ‘Nandito tayo para magtrabaho. Para i-entertain ang mga tao so mag-stick tayo dun. “Huwag tayong magpaapekto masyado.’”

Ano sa palagay niya ang formula sa ganung kainit na pagsuporta ng publiko sa serye nila ni Richard Yap?
“Siguro kasi, yung contrast. Yung diversity ng characters namin pareho, isang napakasungit at isang kengkoy na makulit na makulit lang.
“Siguro naaaliw ang mga tao sa ganun. And isa pa, napaka-light naman talaga ng story, e.
“Parang naaaliw sila na nasisimulan nila ang morning nang tama. Walang mabigat sa loob, happy-happy lang. Masaya lang,” sabi ni Jodi.
HER BIGGEST BREAK

Sa lampas isang dekada na pagiging bahagi ni Jodi ng ABS-CBN, ngayon lang masasabi na nabigyan siya ng sarili niyang programa.

“You know what, sabi ko nga, fourteen years is, wow… fourteen years is fourteen years! “Siguro, di lang ako nawalan ng pag-asa. I never stopped dreaming.
“I never stopped believing, and I never grew tired of waiting. “Alam ko isang araw, darating at darating din ‘yan. Hindi man siguro ngayon, but I know one day it will come.
“So yun naman, I think my waiting paid off.”

LOVE ANGLE

Happily married ang kapareha ni Jodi sa serye na si Richard Yap, kaya kahit single mom siya ngayon ay malabong ma-link sila.
Patunay raw ito na matalino na ang mga manonood at mas pinapahalagahan na ang ganda ng istorya at husay ng pagganap sa mga karakter.
Para naman kay Jodi, “Siguro, oo. Yung team-up namin is a perfect example.
“Siguro ngayon, alam na ng mga tao na yung ginagawa rin naman namin ay trabaho din.”

LOVELIFE

Hindi naiwasan ni Jodi Sta. Maria na amining nasa proseso na ang annulment ng kasal niya sa asawang si Pampi Lacson.

Sa press conference para sa bago niyang endorsement, ang Purefoods Fun Stuff, napaamin si Jodi na “on the way” na ang annulment nang tanungin kung totoo ang lumabas na baliatng officially annulled na raw sila ng anak ni Senator Panfilo Lacson.
Sina Jodi at Pampi ay ikinasal noong March 2005, at naghiwalay noong March 2011. Sila ay may isang anak na lalaki—si Panfilo Lacson III o mas kilala sa palayaw nitong Thirdy.
Si Jodi ay kasalukuyang girlfriend ng aktor at incoming Cavite vice governor na si Jolo Revilla, na may anak naman sa dati niyang girlfriend na si Grace Adriano.
Samantala, si Pampi naman ay kasalukuyang boyfriend at expectant father ng ipinagbubuntis ngayon ng StarStruck alumna na si Iwa Moto.
Aminado si Jodi na sa kabila ng nangyari sa relasyon nila ni Pampi, nananatili naman ang komunikasyon nila para sa kanilang anak na si Thirdy.
“I would say na mas civil kami ngayon. We have to be civil for our child,” sabi ng Kapamilya actress. Bukod sa kanilang anak, wala na raw silang anumang pinag-uusapan ni Pampi.
“If there’s anything na pinag-uusapan namin, it’s about Thirdy.
“Basta anything about sa welfare niya, sa school niya, ‘yon ang pag-uusapan niya,” sabi ng Be Careful With My Heart actress.
We have to be the best parents that we can for our child. Basta tungkol lang sa bata.” Ayon kay Jodi, alam ni Thirdy ang sitwasyon nila ngayon ni Pampi.

MARRIAGE

Hindi man aminin ay naging makahulugan na rin ang mga instagram messages nina Jolo at Jodi para sa isa’t isa. Alam na ng lahat na magkasintahan na ang dalawa. Halata sa kanilang mga sinasabi ang tunay nilangnararamdaman para sa isa’t isa. May nagtatanong kung sakali nga raw ba na ma-annul ang kasal niya kay Pampi Lacson, magpapakasal na ba ang dalawa? Sabi pa ni Jodi, “Like I said before, I have never lost faith in love.
“But marriage is a different thing. It’s a different story. “Right now, hindi pa ako ready,” pag-amin ni Jodi.

Jodie