Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

JM at Barbie kakikiligan sa Precious Hearts Romances presents Araw Gabi

Bibigyang-buhay nila ang mga karakter nina Adrian at Mich sa “Precious Hearts Romances presents Araw Gabi”

Muling nagbabalik ang award-winning na aktor na si JM de Guzman kasama ang kaniyang bagong leading lady na si Barbie Imperial para bigyang-buhay ang isang kuwento ng pag-ibig na nababalot ng liwanag at dilm sa pagbubukas muli ng seryeng “Precious Hearts Romances presents Araw Gabi”, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC), na may streaming ang pilot episode via TFC online (www.TFC.tv) simulcast sa local airing nito sa April 30 (Manila time) worldwide (maliban sa ilang bansa).

Matapos ang siyam na taon, sundang muli ang pagbubukas ng mga pahina ng “Precious Hearts Romances” series at kilalanin si Michelle (Imperial), isang babaeng may pusong kasing liwanag ng sikat ng araw. Sa kabila ng hirap sa buhay, tinuruan siya ng kaniyang Mamay (Candy Pangilinan) at Papay (Dennis Padilla) na manatiling positibo sa kahit anong sitwasyon.

Kaya naman nang malaman niyang susi sa kaniyang promotion bilang Account Director ang makuha ang proyekto ng isang Tranquila Resort, talaga namang todo ang kaniyang ginawang paghahanda dito.

Kung puno ng liwanag ang buhay ni Michelle, kabaligtaran naman ito ng kay Adrian (de Guzman) na puno ng kadiliman ang pagkatao. Siya ang tumatayong CEO ng Olvidar Group of Companies kung saan kabilang ang Tranquila Resort na nasa El Paraiso, ang lugar na kinalakihan niya. Dahil sa isang kasalanang nagawa niya 18 taon ng nakakaraan, binansagan siyang halimaw ng mga empleyado roon at salot naman kung ituring ng mga tao sa islang pinagmulan.

Hindi magiging maganda ang unang pagkikita nina Adrian at Mich (atsa) at sa muling pagku-krus ng landas nila, laking gulat ni Mich nang malamang si Adrian pala ang may-ari ng Tranquila Resort. Siya rin ang lalaking sisira sa kaniyang pangarap dahil tatanggihan nito ang kaniyang proposal. Gayumpaman, hindi sumuko ang dalaga at pinuntahan pa ang El Paraiso para pag-igihin ang kaniyang pagsasaliksik sa lugar.

Sa pagdating ni Mich sa isla, marami siyang malalaman at kabilang dito ang tunay na pagkatao ni Adrian at ang misteryo sa likod ng napapanaginipan niyang parola.

Ano kaya ang kinalaman ng El Paraiso sa panaginip ni Michelle? Sa pagdating ni Mich sa buhay ni Adrian, lumiwanag na kaya ang puso niyang nababalot na ng kadiliman?

Kasama rin sa cast sina Rita Avila, Vina Morales, Ara Mina, Raymond Bagatsing, RK Bagatsing, Jane Oineza, Phoebe Walker, Paolo Angeles, Ysabel Ortega, Victor Silayan, Arlene Muhlach, Eric Nicolas, at Joshua Colet. Ito ay sa direksyon nina Theodore Boborol, Don Cuaresma, at Mylah Ajero Gaite sa ilalim ng business unit na pinamamahalaan ni Ruel Bayani.