Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Japanese-Language Proficiency Test

What is JLPT?

Ito ay standardized criterion-referenced test para i-evaluate at i-certify ang kakayahan o kaalaman ng non-native speakers. Ang JLPT ay ino-offer ng Japan Foundation at Japan Educational Exchanges and Services (JEES).

JPLT at Visa Status

Marami ang nagtatanong kung ano ba ang koneksyon ng JPLT sa bagong in-implement na visa requirement ng pamahalaan? Ang pamahalaan ay naglabas ng bagong panuntunan o requirements para makakuha ng residency visa sa Japan.

New Specified Skills Residency Visas for Japan

Upang masolusyunan ang labor shortage dahil sa pagbaba ng birth rate sa Japan, nagpalabas ng dalawang bagong residency visa status noong Abril 2019. Ang nauna ay ang “Specified Skills” visa. Ito ay naka-focus sa mga industriyang nangangailangan ng mga manggagawa ng bansang Japan.

At kamakailan ay pinalawak nila ang tinatawag na “specified skills” at hinati ito sa “Specified Skills 1” at “Specified Skills 2.” Ang indibidwal na kasalukuyang nasa Japan sa ilalim ng Technical Intern Training Program ay pinapayagang magpalit ng status of residency para maging “Specified Skills” visa kapag natapos na ang kanilang training na ibig sabihin ay maaari silang manatili sa Japan hanggang 10 taon (sa ilalim ng dalawang residency status).

Ang susi para maging kwalipikado sa application ay ang level ng basic conversation sa Japanese (lengguwahe), na equivalent sa “N4” sa Japanese Language Proficiency Test.


Advantages

Ang mga JLPT certificate ay nag-aalok ng iba’t-ibang advantages mula sa pagkilala ng inyong academic credit at graduation certification hanggang sa pagkilala sa inyong kwalipikasyon sa lipunan.

1. Earn points for preferential treatment for immigration to Japan

Para sa mga nakapasa sa JLPT N1, sila ay makakatanggap ng 15 points, sa N2 ay 10 points sa ilalim ng “Point-based Preferential Immigration Treatment System for Highly Skilled Foreign Professionals” ng pamahalaang Japan. Ang bawat indibidwal na may total points na 70 o mas mataas ay makakakuha ng preferential treatment sa immigration. Para sa mas detalyadong impormasyon ay pumunta sa website ng Immigration Bureau ng Japan.

2. One of the requirements to take Japan’s national exams for medical practitioners

Ang JLPT N1 certificate ay kailangan para sa mga lisensyadong medical practitioners (dentist, nurse, pharmacist, public health nurse, midwife, radiology technologist, dental hygienist, dental technician, clinical laboratory technician, physical therapist, occupational therapist, orthoptist, clinical engineer, prosthetist, emergency medical technician, speech therapist, veterinarian) mula overseas na nagnanais na kumuha ng national exams ng Japan para sa medical practitioners, at iba pang profession. Para sa ibang detalye sa application requirements para sa national exams para sa medical practitioners, sumangguni sa Ministry of Health, Labor and Welfare website (Japanese)

Test Levels

Ang JLPT ay may five levels: N1, N2, N3, N4 at N5. Ang pinakamadali ay N5 at ang pinakamahirap ay N1. Sa N4 at N5, dito sinusukat ang level ng kaalaman sa pagsasalita ng basic Japanese na natututuhan sa klase. Samanatala, ang N1at N2 naman ay sinusukat ang kaalaman sa mas broad range ng Japanese na ginagamit sa pang-araw-araw. Ang N3 ay pumapagitna sa pagitan ng N1/N2 at N4/N5.

Ang linguistic competence na kinakailangan ng JLPT ay kung paano ie-express ng isang indibidwal ang kanilang kaalaman sa pamamagitan nang pagsasalita, pagbabasa at pakikinig. Mahalaga ang vocabulary at grammar upang maipasa ang requirements.

JLPT Test Dates:
July 7, 2019 (1st test)
December 1, 2019 (2nd test)
Pass/Fail

Ang resulta ng tests ay ibinibigay ayon sa scoring. Ang N1, N2 at N3 ay may tatlong scoring sections: “Language Knowledge (Vocabulary/Grammar),” “Reading” at “Listening.” Ang N4 at N5 naman ay may dalawang scoring sections: “Language Knowledge (Vocabulary/Grammar), “Reading”; at “Listening.”

Ang total score para sa N1-N5 ay nasa 0-180. Para makapasa sa N1-N3, ang total score ay dapat nasa range o mas mataas pa sa required na passing score para sa overall at ang score sa bawat scoring section ay nangangailangan din ng above the minimum point required. Kung sakaling may isang section na ang score ay below the average, ang examinee ay hindi papasa kahit pa mataas ang total score sa kabuuan.

Ang scoring sections ng N1-N3 at N4-N5 ay magkaiba. Para sa karagdagang detalye: https://jlpt.jp/e/guideline/results.html

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa JLPT: https://jlpt.jp/e/index.html at http://info.jees-jlpt.jp/