Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Jake Vargas and Inah de Belen: Love, Sweet Love

Naging hot item sina Jake Vargas at Inah de Belen pagkatapos nilang magkasama sa teleseryeng “Oh My Mama” ng GMA-7. Ito ang kauna-unahang starring role ni Inah mula nang pumirma siya ng contract sa Kapuso network. Hindi na siguro kailangan pa ng introduction kay Inah. Obvioulsy, ang kanyang apleyido will speak for itself. Kilala sa mundo ng showbiz ang apelyidong de Belen. Yes, siya po ay anak nina Janice de Belen at John Estrada. Hindi na siguro kailangan pang kwestyunin kung mahusay bang umarte ang dalaga. Of course, mahusay na artista ang mga magulang ni Inah kaya saan pa nga ba magmamana ang dalaga?

I’m always being compared to my mum, but I always tell them that my mum is the inspiration for everything that I do,” sabi ni Inah.

Alam ni Inah na hindi lahat ng newcomers sa showbiz ay nakaranas ng katulad ng naranasan niya nang pasukin niya ang showbiz. Nagpapasalamat din siya sa advantage na pagiging anak nina Janice at John dahil nakaka-communicate siya nang mas madali sa senior actors at actresses na nakatrabaho na minsan ng kanyang mga magulang. Pinaalalahanan din siya ng kanyang mga magulang na maging humble at huwag makakalimot sa mga taong tumutulong sa kanyang career dahil yun ang pinaka-importante sa lahat na siya naman sinusunod ni Inah kaya naman maganda ang pakikitungo niya hindi lamang sa press kundi sa mga taong nasa likod ng bawat proyektong kanyang ginagawa sa GMA 7. Mga staff at crew, directors, writers at ang kanyang talent management.

Si Jake na matagal na rin sa showbiz at nakilala bilang produkto at alaga ni German Moreno. Napapanood siya sa defunct “Walang Tulugan” at napapanood pa rin siya sa longest running TV series na “Pepito Manaloto.” Bukod pa riyan ay may iba’t ibang TV guestings din si Jake. Kumbaga, si Jake ay isa sa mga talent ng GMA 7 na steady lang ang career at hindi nawawala. Hindi siya nawawalan ng proyekto at laking pasasalamat niya sa kanyang home studio dahil sinusuportahan at inaalagaan siyang mabuti. Bukod sa mahusay umarte ay may acting at citation awards din na maipagmamalaki si Jake.

Hindi naman kaila sa showbiz na hindi si Inah ang naugnay kay Jake. Si Bea Binene ang unang girlfriend ni Jake sa showbiz. Inamin ni Bea na may third party involve sa kanilang paghihiwalay at ang girl diumano ay non-showbiz.

Mabilis nag-move on at sa hinuha ng marami ay naging magkaibigan muli ang dalawa although bihira na silang makita nang sabay sa mga showbiz function ay okey naman siguro kung magkasama man silang muli sa isang showbiz function o maging sa isang teleserye.

Hindi na nagulat ang mga manonood nang malaman nilang gusto ni Inah na pasukin ang showbiz. Nasa dugo nito ang showbiz kaya pinayagan na rin ng kanyang mga magulang. Pero hindi nila akalain na mahuhulog agad ang loob nito sa isang taga-showbiz. Dumating ang isang Inah sa buhay ni Jake. May mga tutol at mayroon din naman umokey sa relasyon ng dalawa. Para naman kay Janice, hindi naman siya tutol sa pakikipagrelasyon ng kanyang anak kay Jake o kung sinuman ang kanyang napupusuan basta huwag lang daw makakaapekto sa kanyang attitude o behavior ay walang problema. Madalas kasi sa showbiz, kapag nag-umpisang umibig ang isang artista, it’s either nawawalan ng ganang magtrabaho o nagiging mas involve sa personal life nila at nakakalimutan na may mga showbiz commitment silang dapat tuparin. Yun ang paalala ni Janice sa anak na huwag pabayaan ang career kahit may boyfriend ito, bagkus ay gawin itong inspirasyon upang mas mapagbuti ang ginagawa. 

Nagpapasalamat naman si Jake at tanggap siya ni Janice, at nagkita na ng personal sina John at Jake.

Nagkita lang sila noong party ng GMA. Hindi pa formal. So, mahirap talaga ang schedule,” lahad ni Inah.

Okay naman, kaya lang siyempre it’s not the right time and place. Event siya ng GMA. Siyempre noong una, nagkakailangan, it’s not prepared naman talaga. I knew he was there pero ang daming tao kaya wala silang chance na mag-usap.

Masaya rin si John para sa anak na dalaga. At masaya rin si Inah lalo na’t nasa GMA 7 na rin ang kanyang ama ay mas madalas na silang magkikita sa events ng Kapuso network.

At kung iisipin ay parang kailan lang nang magkasama sila sa “Oh My Mama” at dito nagsimula ang kanilang matamis na pagtitinginan. Two years na rin mahigit ang relasyon nina Inah at Jake. At masasabi ng marami na going strong ang kanilang relasyon. Alam naman ng marami na sweet love na maitatawag sa kanilang pagmamahalan at mga bata pa rin naman kaya sa ngayon ay ine-enjoy nila ang kanilang relasyon. Thankful sila sa mga project ng GMA 7 na magkasama sila at kumportable silang makatrabaho ang isa’t isa.

Bihira talaga sa mga network ang madalas pagsamahin ang real life couples pero sa kaso nila ay may exception.

Thankful lang talaga kami. Actually, nag-start lang ito sa ‘Oh My Mama.’”

At that time, hindi rin naman namin alam na magiging ganun ang response ng fans namin.”

Then, after ‘Oh My Mama,’ we didn’t know and wala kaming assurance na magkakasama kami,” pag-amin ni Inah.

At ano nga ba ang sikreto ng kanilang relasyon?

“Love, love, love lang,” masayang sabi ni Inah.

Love and happiness lang,” masayang paglalahad nina Jake at Inah.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin tinatangkilik ng mga manonood ang “Ika-5 Utos” kung saan kasama sina Jake at Inah.