Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Italian Chicken, Mushroom and Zucchini Skillet

Sangkap:
  • 1 kg hita at drumstick ng manok
  • 2 zucchini/courgettes, hiwain
  • 12-15 pirasong white button mushrooms, hiwain sa gitna
  • 2 latang Italian style diced tomatoes
  • 1 tasang sundried tomatoes
  • 2 kutsaritang red wine vinegar
  • fresh basil, tadtarin
  • 1 kutsaritang dried oregano
  • 1 kutsaritang dried parsley
  • 1 kutsaritang red chilli flakes
  • 1 sibuyas, hiwaing makaapat
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • paminta
  • sea salt
  • olive oil
Paraan:
  1. Sa isang malaking pan, ilagay ang olive oil at igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Ilagay ang manok at haluin hanggang ang balat ay magkulay brown.
  3. Idagdag ang mushroom at ituloy ang pagluluto sa loob ng tatlong minuto.
  4. Ihalo ang sundried tomatoes, diced tomatoes, red wine vinegar, fresh basil, dried oregano, dried parsley at red chilli flakes. Takpan ang pan at pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto.
  5. Idagdag ang zucchini, lasahan ng sea salt at paminta at hayaang kumulo sa karagdagang limang minuto hanggang sa ito ay maluto.