Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

IT Job for Foreigners

A foreign IT Engineer in Japan: How much do they make?
Sa layman’s term, kapag sinabi mong engineer, maraming ibig sabihin. May engineer na nagpapatakbo ng train, may engineer na engaged naman sa industry at may electric engineer din. Ang ibig sabihin nito, malaki ang nasasakupan ng salitang “engineer.” Ang ibig sabihin ng term “engineer” ay mga taong nagta-trabaho sa Japan sa iba’t ibang field o uri ng work. Kasama na riyan ang mga kwalipikadong engineers sa field ng mechanical, chemical, electrical at civil engineering disciplines at skilled workers na kayang mag-manage ng isang situation.

Sa Japan, ang mga job title sa position ng engineering ay kasama ang mga software engineer, process engineer, project engineer, R&D engineer, sales engineer, web engineer at service engineer at marami pang iba. Automatic naman na ang hinahanap kadalasan ng industriya ay yaong mga nagaa-ayos ng serbisyo, sistema o mechanical products na syempre, engineer ang tinutukoy.

Sa panahon ng computerized system, hindi malayong mas dominado ng engineers ang halos lahat ng industriya. Kailangan natin sila sa iba’t ibang aspeto ng industriya at teknolohiya.

At dahil sa mahigpit na pangangailangan ng manpower at para mas matulungan ang turismo ay nagbukas ng opening ang Japan hindi lamang para sa Japanese kundi maging sa banyaga o foreigners para sa IT engineering jobs.
Let’s face it, ang English ay universal language at ang lengguwaheng ito ay tanggap sa buong mundo. Ang foreigners ay madaling nakaka-adapt sa updates ng IT world at hindi naging balakid ang lengguwaheng gamit (Engish language) sa updates ng IT world.

* Non-Speaking Japanese to be an IT
Para sa isang banyaga na magtatrabaho sa Japan bilang IT ay hindi kailangang maging fluent sa salitang Japanese. Mga trabahong nauugnay sa serbisyo para sa mga in demand tulad ng smartphones, apps at ang internet na bumulusok at patuloy na bumubulusok sa makabagong panahon.
Maraming foreign workers (engineers) sa ganitong larangan dahil ito ay computer-based (English language) na universal. Ang mga tao sa ganitong field ay kailangan ngayon sa Japan kahit pa hindi sila bihasa sa pagsasalita ng Japanese.

Ang pagbaba ng rate ng populasyon sa Japan ang naging mahirap na sitwasyon sa mga employers upang makapag-hire ng Japanese citizens kaya naman binuksan nila ang posisyon sa mga banyaga na mahusay sa computer kahit hindi nagsasalita ng Japanese language.

* Experience is not really needed
Ang Japanese career-advice website na JobQ (Japanese only) ay nagpahayag na ang practical experience ay isa sa pinakamahalagang kadahilanan ng mga kumpanya na nagha-hire ng serbisyo ng foreign workers tulad ng web engineer.

* Understaffing is so bad in the IT industry, experience not needed
Hindi naging mahirap sa bagong foreign workers sa pagdating ng experience sa IT world, natututunan nila ito sa web mismo na nago-offer ng libreng tutorial services (YouTube) kaya kung ikaw ay madaling pumick up sa tutorial services na ito ay madali kang makakaagapay sa IT industry.

* The IT industry in Japan offers the highest average salary
Dahil na rin siguro sa understaffing kaya nago-offer ng mataas na pasweldo ang bansang Japan para sa mga papasok na IT workers. Ang entry level para sa IT consultants ay tatanggap ng ¥376,000 kada buwan, samantalang ang web engineers ay ¥300,000. Ang experienced IT consultants ay naga-average ng ¥552,000 kada buwan, at ¥678,000 naman sa managers.
Pero hindi rin naman dapat maging kampante ang banyagang workers dahil may mga kumpanya pa rin sa Japan na tinitingnan nila na mas naangkop pa rin ang management position para sa kanilang Japanese nationals kahit pa ang banyaga ay fluent sa Japanese language. Kumabaga, “love your own.”

* Engineers are needed throughout the nation, and particularly in manufacturing regions.
Karamihan sa mga trabaho sa Japan kung saan qualified ang foreigners ay sa Tokyo pero ang engineers ay kailangan sa buong Japan lalo na sa lugar kung saan ang manufacturing companies ay mataas ang bilang.