Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

International news anchor Annalisa Burgos bahagi ng bagong ANC news program “Early Edition”

Ibabahagi ng bagong news program ng ANC na mapapanood via TFC, ang pinakabagong balita sa loob at labas ng bansa

“Ang ABS-CBN News channel na ANC ay mayroong bagong programa, ang “Early Edition,” na maghahatid ng mga pinakabagong balita mula sa loob at labas ng bansa, na mapapanood sa labas ng bansa via TFC.

Sa “Early Edition,” pinangunahan ng news anchors na sina TJ Manotoc at Annalisa Burgos ang paghahatid ng mga pinakabagong balita tungkol sa iba’t ibang isyu, kabilang na ang isyung pinansiyal.

Inanunsyo ang pagsisimula ni Burgos sa ANC sa pamamagitan nang paglabas niya sa “Early Edition.” Pero bukod sa programang ito ay napapanood din siya sa programang “News Now.”

Ang Los Angeles-born international journalist ay nagtapos sa UCLA at kumuha ng master’s degree sa Columbia University Graduate School of Journalism. Mayroon siyang 17 taon na karanasan bilang isang news, business at lifestyle multi-media journalist sa Asia, at sa iba’t ibang state sa America tulad ng New York, Washington, D.C., at Los Angeles. Pero bago siya lumipat sa Asia, siya ay nagsilbing anchor, reporter at editor ng ilang malalaking media companies tulad ng Yahoo, HGTV, Forbes, CNBC at Bloomberg.

Bago naman nalipat sa ANC, si Burgos ay isang anchor at lifestyle correspondent sa regional English morning show ng Channel NewsAsia na “FirstLook Asia,” kung saan nakapanayam niya ang iba’t ibang global newsmakers. Naging host din siya ng weekly food at travel series na “What’s Cooking.”

Samantala, kasama rin sa “Early Edition” ang beteranong broadcaster na si Paolo Abrera at ilang ANC news correspondents na sina Michelle Ong at Christian Esguerra. Layunin nila na maibahagi sa mga manonood ang mga mahahalaga at napapanahon na mga impormasyon, na pinagtibay ng mga masusing pagsasaliksik.

Nariyan din si ANC resident analyst Richard Heydarian na tatalakayin ang iba’t ibang isyu sa foreign relations at foreign policy.

Bibigyang-kulay naman ang programa ng mga balita tungkol sa mundo ng entertainment, sports, lifestyle at iba pang mga isyu, pangyayari at personalidad na pinag-uusapan worldwide.

Huwag nang magpahuli sa pinakabagong mga kaganapan sa loob at labas ng bansa, panoorin ang “Early Edition” via sa iba’t-ibang platforms ng TFC sa key counties worldwide. Maaaring balikan ang mga nagdaang episodes sa TFC online (TFC.tv) at TFC IPTV.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas, i-follow ang @KapamilyaTFC sa Twitter at Instagram.