Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Insarabasab

Ang Insarabasab, Sarabasab o Ilocano style sisig ay may ibig sabihin na pagkaing gawa sa inihaw ng baboy na may kasamang sili, sibuyas, suka at iba pang sangkap. Ang salitang Insarabasab ay nangangahulugan na “pagkain niluto sa apoy.”

Sangkap:

  • 1 kilo liempo o pork shoulder, hiwain sa 2 cm na kapal bawat piraso
  • 3 kutsarang sukang Iloko o sukang puti
  • 2 pirasong sibuyas na pula, tadtarin
  • 1 kutsaritang luya, hiwaing maliit
  • 3 siling labuyo, hiwain
  • paminta
  • ½ tasang calamansi juice o lemon juice
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • asin

Paraan:

  1. Sa isang lalagyan na may takip, pagsamahin ang calamansi juice o lemon juice, bawang at asin. Ilagay ang baboy at ihalong mabuti hanggang mabalutan ang baboy. Takpan at ibabad nang magdamag.
  2. Ihanda ang ihawan, ilagay ang baboy na minanirada nang magdamag at ihawin ito hanggang maluto. Hayaang mag-apoy ang uling dahil nakakadagdag ito ng lasa sa baboy.
  3. Alisin ang baboy sa ihawan at hiwain nang maliit na piraso.
  4. Ilagay sa serving dish at kasama ang natitirang sangkap, ihain.

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *