Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Inah de Belen- Ang Bagong Karakter sa Encantadia

Kasunod ng pagpanaw ni Pirena at ng iba pang mga sorpresa na hindi napanood noon sa orihinal na serye, patuloy ang mga maiinit na eksena sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia.”

Ayon nga kay Glaiza de Castro, na nagbigay-buhay kay Sang’gre Pirena, “May mga nababawasan dahil may mga paparating.”

Kamakailan lamang, tila nagbigay ng clue ang Kapuso actress na si Inah De Belen tungkol sa mga bagong artistang mapapanood sa “Encantadia.”

Marami rin ang nasabik dahil sa post ni Inah de Belen sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na siya ay puspusang nage-ensayo ng martial arts, ngunit hindi pa niya kinumpirma kung gaganap nga ba siya bilang isang panibagong karakter sa fantaserye. Ano nga ba ang kanyang magiging karakter, isa bang kaaway o kakampi? Abangan natin.