Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Idol sa Kusina dishes out special episodes

Ang programang Idol sa Kusina ay nagbibigay inspirasyon sa mga viewers upang maging kaiga-igaya at mas madaling paraan ng pagluluo habang nasa bahay at nasa quarantine. Bagong episodes ang ihahandog ng Idol sa Kusina. Mula fruits, finger foods, carbs, at seafoods, sina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza ay magpapakita sa viewers na hindi kailangang maging rocket scientists para makagawa ng masarap na pagkain.

Sa kanilang latest episode, si Kapuso actress Vaness del Moral ay makakasama nina Chef Boy at Chynna sa page-explore ng bagong paraan i-incorporate ang prutas sa regular meal courses. Ang susunod na episode naman ay guest nila si Kapuso singer Mika Gorospe na naghatid saya rin sa Idol sa Kusina at natutunan niya kung paano i-level up ang isang pika-pika party na sasamahan ng delicious cocktail dishes.

Nasa ika 9 na taon na nila sa telebisyon sa paghahatid ng masaya at masarap na lutuin na hatid ni Chef Boy na master ng Oriental, Mediterranean, at Western cuisine Hawak niya ang karangalan bilang unang Pinoy na pinangalanan bilang executive chef sa isang 5-star hotel sa bansa.

Pero sa kabila ng kanyang achievements ay down to earth pa rin ang chef na sadyang kinagigiliwan ng mga viewers. “Ever since we started Idol sa Kusina, gusto talaga namin makapag-share ng mga recipes at practical tips sa viewers,” paglalahad ni Chef Boy. “Everybody loves food.

And through our show, everyone can be a chef and an Idol sa Kusina at home too. I’m happy kasi for nine years, hindi lang pagkain ang naihatid namin sa mga manonood, nakapag-serve rin kami ng saya, tawa at mga bagong matututunan sa buhay sa aming programa. I feel blessed, at nagpapasalamat ako dahil patuloy ang pagsuporta ng mga Kapuso natin sa Idol sa Kusina.” Thankful naman si Chynna, napasama siya noong taong 2017, dahil part siya ng weekly show na Idol sa Kusina.

Happy Anniversary!!! Thank you so much ISK for all the important life skills you have taught so many aspiring home cooks,” paglalahad ni Chynna. “May we continue to help Chef Boy spread good vibes and love for food. God bless our whole team, I’m always grateful that I’m part of the ISK family.” Mapapanood din ang Idol sa Kusiba sa international channel ng GMA 7, GMA Life TV.