Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Huge Stars in One Big TV Drama “DAHIL SA PAG-IBIG”

 

 

Piolo PascualNung unang lumabas sa balita na magkakaroon ng isang malaking teleserye na tatampukan din ng ilan sa mahuhusay na artista ng ABS CBN ay sina Piolo Pascual at Jericho Rosales agad ang pumasok sa aming isipan. Alam naming maraming magagaling na artista sa bakuran ng ABS CBN tulad nina Gerald Anderson ( matapos ang teleseryeng Budoy), Coco Martin ( Walang Hanggan), Diether Ocampo, Enchong Dee at iba pa. Pero iba ang dating kapag sina Piolo at Echo na ang pinag-uusapan. Silang dalawa ang masasabi nating versatile dahil kahit saan mo dalhin ay kaya nilang gawin mapa-comedy, drama, romance man o action.
Marami ang natuwa sa konsepto ng ABS CBN management na pagsama-samahin ang powerhouse cast ng teleseryeng “Dahil sa Pag-Ibig.” Sina Christopher de Leon, Jericho Rosales at Piolo Pascual ang nangungunang mga karakter sa top rating Primetime Bida teleserye ng Dos.
Binubuo pa lang nila ang cast ay napapabulong na baka hindi magkasundo ang mga bidang lalake dahil pareho silang may pangalan at baka magkaroon ng rivalry. Nung tanungin si Piolo ukol dito ay itinanggi niya ang mga tsismis at sinabi niyang mabuti silang magkaibigan. Natutuwa sila at makaka-trabaho nila ang isa’t isa.
“We’ve always wanted to work with each other, not to compete with each other, but to really hang-out and not naman to challenge each other. We’re just so excited because we were given the chance to work together,” paglalahad ni Piolo. May mga taong nagkukumpara sa kanilang dalawa.
“I don’t see any point of doing that. Hindi naman na kami bata para magtagisan ‘di ba?” “As far as I’m concerned, magkaiba naman kami ng atake. Magkaiba kami ng pinanggalingan at mataas ang respeto ko sa kanya bilang artista dahil alam ko ang pagmamahal niya sa craft niya, alam ko yung passion niya sa acting at di ko matatawaran yun.”
Paano ba pinaghandaan nina Piolo at Jericho ang kanilang mga role?
Nalulugod si Echo sa kanyang role dahil iba ito sa mga karakter na kanyang nagampanan na. Pero niliwanag niya na hindi siya kalaban o kontrabida sa naturang teleserye. “Lahat kasi ng characters dun sa show namin, lahat may flaws. It just so happened na ‘yung character ko ang may pinakamaraming angst,” paliwanag niya. “Parang it’s a different role ( bilang Oliver) so I really need to prepare, kailangan kong ihanda ang sarili ko sa role na makikita nila everyday.” “Maraming kapupulutan ng aral ang gagampanan kong role,” dagdag pa ni Echo.
Ani ni Piolo, “Nung una ko pa lang nabasa ang script at yung magiging karakter ko, na-feel ko agad si (Fr. Alfred) at sobrang nagandahan ako sa istorya na inisip ko na mabigat ang karakter ko.”
Mayroon nga bang rivalry sa kanilang dalawa?
Mabilis na sinabi ni Piolo na walang issue sa kanilang dalawa lalo na kung ang billing ang pag-uusapan. “Hindi naman [issue ang billing]. We’re just so excited because we really wanted to work together ever since. We came to a point na kami mismo susulat ng pelikula namin. So it’s a blessing to finally do a show with Jericho. Talagang malaki yung paghanga ko sa kanya bilang tao,” paglalahad pa ni PJ.
“Hindi ko iniintindi ‘yung pinagkukumpara kami kasi pag andun na ako sa set, team player ako. ‘Yun ‘yung tini-train ko sa sarili ko. In a lot of ways I’m a leader, in a lot of ways team-player din ako, so pagdating sa ganitong mga bagay, kailangan matuto kang maging team-player. The goal is not to outshine, ‘pag-upstage o makipag-compete, ganyan. Do your best so you will get the best results,” pagtatapat naman ni Jericho.
Parehong mahuhusay na aktor sina Piolo at Jericho. Hinahangaan ang kanilang estilo sa pag-arte. “Nag-tie kami one time as Best Actor (during the 23rd PMPC Star Awards for Movies in 2007). Pinaghatian namin yung trophy (laughs). At the end of the day, it’s all about bringing out the best in you and not just about being a better actor than your co-stars,” sabi pa ni Piolo.
Masaya si Piolo at nakasama siya sa isang de-kalidad na proyektong tulad ng “Dahil sa Pag-ibig” na makakukuha agad ang interes ng mga manonood. “That’s the whole point of the soap, to come up with something unique, something that will set us apart. It’s a privilege to do something so big, something na alam naming may matutunan kaming lessons about life in general. Hindi lang siya typical love story or soap na napapanood mo, kundi kami mismo bilang aktor dapat handa kami sa gagawin naming roles,” ika pa ni Piolo.
Dagdag pa rin ni Piolo na sinang-ayunan ni Echo na sa loob ng 10 taon nilang pagiging magkaibigan ay pareho silang masaya at nagkasama ulit sila sa isang proyekto.
“Sobra akong namamangha, na-overwhelmed. I never thought na working with Echo would be a reality. We’ve always wanted to work with each other, so bilang kapatid, kami yung magkasama sa napakalaking proyektong ito.”

Jericho Rosales

‘ALITANG’ PIOLO at ECHO, LALONG TUMITINDI!

Patuloy na pinapahanga nina Piolo Pascual at Jericho Rosales ang TV viewers sa kanilang husay sa pag-arte gabi-gabi sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Dahil sa Pag-ibig.”
Ayon dalawang bidang aktor, bagama’t matagal na sila sa industriya, hindi biro para sa kanila ang mga eksena ng komprontasyon at suntukan na ginawa nila sa nasabing teleserye. Ani ni Piolo, “Napagod ako kasi sobrang bigat ng mga eksena namin. Hindi biro ang karakter ng isang pari na maraming pinagdadaanan sa buhay.” Kakaibang paghahanda naman ang ginawa ni Echo para mapabuti ang kanyang pagganap bilang si Oliver. “Kinailangan ko pang mag-workout para paghandaan ang mga eksena namin. Iyon kasi talaga ang pinaka-concern ko para sa banggaan namin ni Piolo,” pahayag niya. Samantala, lalo namang umiinit ang mga tagpo sa “Dahil sa Pag-ibig” ngayong tuluyan nang nakuha ni Oliver ang loob ng kanyang mortal na kaaway na si Leo (Christopher de Leon). Magtagumpay kaya siya na sirain ang pamilya Valderama o mapipigilan pa siya sa kanyang masasamang balak ni Fr. Alfred? Paano magbabago ang buhay nina Oliver at Fr. Alfred kapag natuklasan nila na sila ay tunay na magkapatid?

Cast of Dahil sa pag ibig
Bukod kay Christopher de Leon ay kasama rin sina Cristine Reyes, Maricar Reyes at ang powerhouse cast na sina Ronaldo Valdez, Sandy Andolong, Tetchie Agbayani, Rafael Rosell, Denise Laurel, Freddie Webb, Rey PJ Abellana, Carla Martinez, Joonee Gamboa, Bing Davao, Melissa Mendez, Malou Crisologo, Cheska Iñigo, Jeffrey Santos at Edward Mendez. May espesyal na pagganap si Joel Torre at mga bagong mukha na young teen stars na sina Ella Cruz and Francis Magundayao. Ito ay sa direksiyon nina Darnel Villaflor at Avel Sunpongco.
Huwag palampasin gabi-gabi ang “Dahil sa Pag-ibig,” pagkatapos ng “Walang Hanggan” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.