Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Health

How to Look Younger

Tips to Stay Looking Young | Ways to Look Younger

Tayong mga Pinoy ay nabubuhay sa kulturang mahilig na magpa-bata o feeling kabataan. Ito ay nakikita dahil mas mukhang bata tayong tignan kesa sa ating edad. Kung ikaw ay ipinanganak na nasa iyong genes ang mukhang bata ay swerte ka dahil may mga iba dyan na kailangan pang gumastos ng malaki upang mapanatili lang nila ang kanilang kabataan sa itsura.

Narito ang ilang tips at techniques na kung iyong susundin ay magbibigay ng mas batang itsura kesa sa iyong edad. Halimbawa, kung pananatilihing malusog ang pangangatawan, ang page-ehersisyo at pagkain ng tama, walang duda na ang iyong pangangatawan ay makaramdam ng pagiging bata.

Tips for Looking Young:

1. Morning Walk

Ang paglalakad sa umaga ay isang bagay na dapat nating gawin bilang umpisa ng page-ehersisyo. Ito ay dapat gawin araw-araw. Ito ay isa sa pinaka-epektibong paraan upang makamtan ang malusog na pangangatawan. Ito ay makakatulong din upang ang iyong balat ay maging malusog dahil ang init ng araw sa umaga ay mainam na bitamina.

2. Sleep

Alam nating ang tulog ay mahalaga para sa ating kalusugan. Kadalasan, ang isang tao na kulang sa tulog ay wala sa tamang huwisyo ang pagi-isip at lulugu-lugo. Kung gusto mong manatiling malusog ang iyong balat, matulog ng 6-8 oras araw-araw. Ang hustong oras ng tulog ay nagbibigay ng kaayusan ng metabolismo ng katawan at ito ay may kakayahan mapanatili ang iyong balat na malusog sa natural na paraan.

3. Sunscreen Lotion

Ugaliing magpahid o maglagay ng sunscreen lotion kung ikaw ay lalabas ng tahanan upang ma-protektahan ang iyong balat mula sa mapaminsalang ultra violet (UV) rays. Siguruhing ang gagamiting sunscreen ay may 15 SPF.

4. Exercise

Ang regular na ehersisyo ay kailangan upang maging malusog ang pangangatawan. Kung ikaw ay mage-ehersisyo araw-araw, ang iyong katawan ay mananatiling aktibo at maayos.

5. Lipstick Color

Laging tignan ang kulay ng inyong lipstick. Iwasan ang matingkad na kulay na pula at ang sobrang kayumangging kulay ng lipstick. Gumamit ng neutral na kulay tulad ng beige at pink.

6. Olives as Anti-Aging Source

Ang green olives ay may natural na potensyal na panlaban sa mabilis na pagtanda. Ang pagkain ng olives araw-araw ay nakakapagpabata.

7. Manicure and Pedicure

Gawing regular ang pagpapa-manicure, pedicure at ang pagpapa-facial ay gawin isang beses sa isang buwan.

8. Eat Fruits and Vegetables

Ang pagkain ng prutas at gulay ay may direktang epekto sa ating balat at kasulugan. Ang tamang pagkain, dami ng prutas at gulay sa ating “diet chart” ay magre-resulta ng mas malusog na pangangatawan pati ang malusog na balat.

9. Overweight

Kung ikaw ay “overweight”, subukang magbawas ng timbang sa pamamagitan ng ehersisyo at pagkain ng tama. Iwasan ang “crash” diet dahil ang ganitong klase ng diet ay hindi makakatulong upang makamtan ang malusog na pangangatwan kahit nagbawas ng timbang.

10. Avoid Smoking

Ang paninigarilyo ay masama sa kalusugan ng isang tao. Nakakasira din ito ng balat. Ayon sa mga medical researchers, ang paninigarilyo ay nagpapadali (45%) upang magmukhang matanda ang isang tao kesa sa mga hindi naninigarilyo.

11. Drink Enough Water

Uminom ng tubig para gumanda ang balat. Ang tubig ay nakakatulong upang ma-hydrate ang balat at upang matanggal ang dumi ng katawan.

12. Take a Balance Diet

Malaki ang maitutulong ng balanseng pagkain sa inyong kalusugan dahil ito ay nagtataglay ng bitamina at mineral. Ito ay mahalaga subalit bihira sa atin ang nagpa-plano ng menu na may balanseng nutrisyon upang makamit ang malusog na pamumuhay.

13. Carrots and Sweet Potatoes

Ang carrots ay nagtataglay ng beta carotene. Ito`y isang natural na sangkap upang malabanan ang pagkakaroon ng kulubot sa mukha. Ang pagkain ng kahit isang carrot sa isang araw ay mabuti sa katawan.

14. Think Positive

Ang pagi-isip ng negatibo ay hindi maganda sa ating kalusugan. Ito ay nakakaapekto sa ating pisikal na kalusugan. Maging positibo sa lahat ng bagay lalo na sa pagtalakay ng buhay upang magmukhang bata, maligaya at malusog.

15. Yoga

Ang yoga ay isa sa pinakamahusay na breathing exercise. Ang pinakamahusay rito ay ang meditasyon. Subukan mag-yoga upang gumanda ang balat at kabuuan ng kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *