Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

How to Book a Ticket thru AirAsia Mobile App

Ang AirAsia Mobile App ay magpapadali sa inyo na mag-book hindi lang flights kundi pati hotels, packages, activities, mga daily deals pati ang duty-free products. Maaari rin umani ng big points para magkaroon ng maraming savings. Dito mo rin makikita ang pinakamababang pamasahe sa flight at pwede na rin mag-pre-book ng bagahe, meals, seats at maging travel insurance at higit sa lahat ay pwede na ring mag-check in gamit ang mobile app ng AirAsia. Kapag magbu-book ng flight, makakatanggap ka ng mobile barcode. Kapag mag-che-check-in gamit ang app, i-scan ang barcode na ito sa airport kiosk para i-print ang iyong boarding pass. Pwede mo rin kuhanin ang e-boarding pass para makadiretso ka na sa gate kung wala kang bags na i-che-check-in.






STEP 1:

I-open ang dinownload na app ng AirAsia.


STEP 2:

I-click ang Find flights at piliin ang inyong point of origin at destination (from and to).

Piliin din kung ilang dami ang pasahero.


STEP 3:

Piliin naman ang gustong date ng departure at return. Dito lalabas ang iba’t ibang flights na pwede mong pagpilian base sa presyo nila at oras ng flight.


STEP 4:

I-click ang gustong oras ng departure at return flights.


STEP 5:

Dito sa part na ito makakapili ng seats, checked baggage at Santan combo meal.


STEP 6

I-type ang inyong contact information. Siguraduhing tama ang e-mail address dahil dito rin ipapadala ang inyong e-ticket.


STEP 7:

I-review ang booking details.


STEP 8:

Mamili ng klase ng pagbabayad. Maaaring magbayad gamit ang credit/debit card, BigPay o UnionPay.


STEP 9:

I-click ang Purchase at viola! Nakabook ka na!