Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Helen, nag-iwan ng 4 na kataong patay sa Luzon

Habang papaalis na ng bansa ang bagyong ‘Helen’, nag-iwan ito ng 4 na kataong patay sa may Hilagang Luzon. Dalawa sa mga nasawi ay nalunod sa pagtaas ng tubig sa ilog samantalang dalawa naman ang namatay dahil sa kuryente. Ibinaba na sa Storm Signal No. 1 ang warning signal sa Isabela, Northern Aurora, Quirino, Nueva Viscaya, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Pangasinan at La Union. Namataan na ang sentro ng bagyo ay nasa may Laoag City, Ilocos Norte at patuloy pang magdadala ng malakas na ulan dahil sa hanging habagat na kasama nito sa Luzon at sa ilang bahagi ng Visayas. Samantala, itinigil na ang pagdiskarga ng tubig sa Angat at Ipo Dams ngunit nananatiling pa ring bukas ang isang watermgate sa Ambuklao Dam at tatlo naman sa Binga Dam. (Philippine Star)