Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Healthy Winter Food

Kapag taglamig, ang unang nasa isipan natin ay kung ano ang ating kakainin para maibsan ang lamig na nararamdaman ng ating mga katawan.  Kadalasan ay naghahanap tayo ng sopas.  Sa Pilipinas, kapag tag-ulan ay may nagluluto ng sopas.  Nariyan ang chicken soup na sadyang popular.  Sa Japan at sa mga bansang dumaranas ng winter season, maraming iba’t ibang lutuin na kanilang ginagawa para mapaglabanan ang lamig ng panahon. Umiisip sila ng iba’t ibang klase ng lutuin na healthy at siguradong magbibigay init sa katawan. At kilala ang bansang Japan na umiisip ng mga putaheng makakatulong para maibasan ang lamig ng panahon and at the same time ay yung healthy.  Mahaba ang winter season kaya marapat lamang na healthy din ang kakainin.
Nabe

Ito ay isang tradisyunal na hot pot dish sa Japan kung saan ito ay niluluto sa sabaw na may maraming gulay at karne o seafood na sama-samang niluluto at ang gamit ay palayok o mga earthenware vessel. Isang klasikong comfort food sa Japan na pinasarap dahil niluluto sa palayok.  Madalas itong ino-order sa mga maliliit na izakaya sa panahon ng winter. Maraming variety o klase ang pagluto ng nabe, dahil may kanya kanyang klase ng sangkap ang bawat rehiyon ng Japan.  Pero ang madalas na ginagawa nila ay ang generic tori nabe na ang sabaw ay chicken broth.  Nariyan din ang kani nabe o crab hot pot, at ang puno ng protina na chanko nabe na madalas kainin ng mga sumo wrestler.

Yudofu


Pangalan pa lamang ay alam mo na tofu ang tinutukoy.  Sa Japan, ang tofu ay kinakain bilang health food dahil lagi itong isinasama sa iba’t ibang klase ng lutuin.  At isa rito ay ang Yudofu. Isang simpleng lutuin na pinakuluan sa isang kombu-flavored na sabaw ng sahi.  Ang malambot na texture ng tofu ay kinakain kasama ang rekado tulad ng tinadtad na green onions, toyo at ang kinudkod na wasabi o tangy ponzu citrus dressing. Ang Yudofu ay nagmula sa Kyoto na kinagigiliwang kainin ng Buddhist monks dahil ito ay kasama sa kanilang mga vegan cuisine na tinatawag na shojin-ryori.  Ang tofu na gamit dito ay kailangang sariwa para mangibabaw ang matamis na lasa ng soybeans.

Yakiimo


Kapag taglamig, marami kang makikitang street vendors o sa grocery shop na nagbebenta ng yakiimo or roasted sweet potato.  Ito yung pula sa labas ang balat at golden yellow naman sa loob.  Ito ay iniihaw sa mahinang apoy hanggang maluto.

Chukaman (Steamed Buns)


Kadalasang natatagpuan sa convenience stores. Ang chukaman o steamed buns ay may iba’t ibang klase.  Nikuman (steamed buns na ang laman ay karne, kare man (ang steamed buns na ang laman ay curry at ang iba pang flavor ng buns tulad ng pizza o yung matamis na buns na ang laman ay red beans.

Okayu and Zosui


Ang okayu at zosui ay dalawang klase ng Japanese porridge o lugaw sa ating mga Pinoy.  Tubig o broth (chicken o beef) at kanin.  Ang sangkap ay green onion o sibuyas na mura, toyo at pickled umeboshi plum na nagbibigay lasa sa porridge.  Ang Zosui ay pareho rin ng porridge pero ito ay mula sa tira ng isang Japanese hot pot.  Kapag ang sangkap ng main hot pot ay nakain na, ang nalutong kanin at binating itlog ay ilalagay sa sabaw na galing sa nabe broth at viola, instant meal agad.  Ang Okayu at Zosui ay popular na winter dishes sa Japan.

Oden


Kapag nauumpisa pa lamang na lumamig ang panahon ay maaamoy mo na ang aroma ng nilulutong oden sa convenience stores, supermarket at sa street food stands at maging sa izakaya.  Ang oden ay isang single hotpot dish na gawa sa iba’t ibang klase ng sangkap at ine-enhance nito ang lasa sa pamamagitan ng toyo at kelp dashi broth.  Ang karaniwang sangkap nito ay makapal na hiwa ng daikon radish, itlog, chikuwa fish cakes and yam. Ang fishy smell na galing sa mga sangkap nito ay nakakatawag ng pansin sa customers.

Nikujaga


Nagsimula noong 1800s sa style ng Western beef stew, ang nikujaga ay isa sa kinagigiliwang Japanese comfort food sa panahon ng winter.  Ang karne at patatas na ihahalo sa carrots, sibuyas, tubig, sake, dashi at toyo.  Sa Kansai region, ang karne ng baka ang madalas na ginagamit sa recipe na ito samantalang sa Kanto region naman ay popular ang karne ng baboy.

Japanese Curry


Kilala ang Japan sa mga lutuing may delicate at banayad na lasa ng lutuin pero may isang lutuin ang na-develop ng Japanese cuisine sa paggawa ng Japanese curry. Ang sangkap nito ay karne ng baka, carrots at patatas.  Ang ingredients na nagpapainit ng katawan sa panahon ng winter season.  Nakakabusog dahil malapot ang sabaw at ilalagay sa ibabaw ng mainit na kanin.  Pwede rin itong ternuhan ng katsu (breaded meat) o agemono (deep fried na pagkain.  Ang Curry udon ay isang noodle alternative na kinagigiliwan ngayon ng mga Japanese at kung gustong mas maanghang ay nilalagyan ng chili pepper spice mix o shichimi-togarashi.