Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Hanggang June 2013 na lang

Kamakailan ay naglabas ng isang utos ang Pangulo na itigil na ang “experiment stage” ng Small Town Lottery (STL) dahil sa pagkabigo nitong supilin ang jueteng. Ngunit ang mga agents ng STL ay tila hindi agad-agad makakasunod dahil nakasaad sa kontrata nito sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hanggang June 2013 lamang ang operasyon nito. Kahapon din ay sinabi ng pangulo na maghahain ito ng bagong laro na may bagong patakaran kung saan makikinabang ang mga host communities at ang gobyerno mismo. Ang tawag sa larong ito ay “Loterya ng Bayan” na pino-promote na ng PCSO simula pa noong isang taon. Maraming agam-agam ang mga operators ng STL dahil sa paglalahat na “madumi” ito; aminado naman ang ilan na ginagamit itong prontera ng mga jueteng lords ngunit hindi naman lahat ng STL sites ay ganon. Kahit ang mga STL operators ay nagdududa kung masusugpo nga ba ng Loterya ng Bayan ang jueteng. (Philippine Daily Inquirer)