Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Handog ng GMA Network ang Kauna-Unahang Suspenserye, ‘Widow’s Web’

Nagsimula noong February 28 ang isa at kauna-unahang suspenserye ng GMA Network, ang “Widow’s Web.”

Apat na kababaihan na masasama sa isang masalimuot na murder case na punumpuno ng sikreto, misteryo at kasinungalingan.

Mga nakakapanindig balahibong eksena na mapapanood sa primetime kasama ang mahuhusay na bituin ng GMA 7 na kinabibilangan nina Kapuso stars,  Ms Carmina Villarroel, Vaness Del Moral, Ashley Ortega, at Pauline Mendoza – na gaganap sa mga papel bilang Barbara Sagrado-Dee, Hillary Suarez, Jackie Antonio Sagrado, Elaine Innocencio respectively.

“How can I say no to this project? Ito ang unang suspenserye ng GMA. When this was offered to me, wala pa akong alam kung sino ‘yung ibang cast, pinabasa lang sa akin ‘yung synopsis and I said yes to do it right away without knowing lahat,” shares Carmina who did not think twice about accepting this project. “The story itself captured my attention kasi gusto ko ‘yung ganon, every time I do something new, gusto ko yung ma-eexcite ako.”

Si Vaness na gaganap bilang si Hillary, “Feeling ko naa-adapt ko na yung aura ni Hillary sa totoong buhay. Parang nabubuhay si Hillary lalo dahil sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko kaya ito as Vaness Del Moral lang. Maraming salamat sa lahat nang nagtatrabaho sa likod ng camera.”

Si Ashley naman ay nagpahayag ng pasasalamat sa pamunuan ng GMA 7 sa pagkakakuha niya sa role bilang si Jackie, “I’m very grateful na nabigyan ako ng chance to star in this very beautiful project and na-pressure din ako at the same time kasi siyempre, bigatin ang mga kasama ko sa series. Si Direk Jerry (Sineneng), the other cast, karamihan ay first time ko makatrabaho. My character here is very different from my past character in Legal Wives so talagang I have to put effort in it.”

Samantala, para kay Pauline, inihayag niya kung gaano ka-challenging angkanyang role na gagampanan sa serye,  “This is my first ever matured role after ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ and ‘Kambal, Karibal,’ so this time, ibang Pauline Mendoza yung makikita nila sa show na ito. I’m really honored and happy kasi binigyan ako ulit ako ng GMA ng ganitong opportunity and sobrang ganda ng proyektong ito. Nung ipinakita sa akin yung story, I grabbed it and I loved it and super excited talaga ako sa show na ito.”

Makakasama sa powerhouse cast ay sina Adrian Alandy , Edgar Allan Guzman , Christian Vasquez ,Arthur Solinap, Bernard Palanca, Allan Paule,Tanya Gomez, Mosang, at iba pa.  Sa special participation ni Ryan Eigenmann bilang Alexander Sagrado o Xander, ang murder victim na siyang patriarch ng Sagrado family.

Ang serye ay sa direksiyon ng mahusay na director na si Jerry Lopez Sineneng kasama ang associate director na si Philip Lazaro.