Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

#GMATeleBahay honors LGBTQ and frontliner fathers with two-part special episodes

Nagbigay pugay ang GMA Network sa LGBTQ fathers na naging frontliners sa kasalukuyang pandemya para sa kanilang pamilya. Ito ay sa pamamagitan ng #GMATeleBahay’s two-part special episode ng kinunan remotely, ang
“Para sa lahat ng amang may paninindigan…”


Pinangunahan ni Kapuso comedian Super Tekla na may titulong ‘Beautiful Father’, ginampanan niya ang role ng isang gay father na naninirahan malayo sa kanyang anak pero nagtatrabaho upang may pantustos sa pangangailangan ng anak. Ang comedy-drama special na ito ay inihandog sa mga LGBTQ fathers at idinerehe ni Zig Dulay.

“Pagbati at pagpupugay sa lahat ng frontliners at mga tatay…”
Ang sumunod naman na episode ay may titulong ‘Proud Ako Sa’yo’ na tungkol sa frontliner father na laging nagaalala sa kaligtasan at kalagayan ng anak na frontliner din dahil sa COVID-19 . Ang pangalawang episode ay kinabibilangan naman ng veteran actor-director Ricky Davao at ang anak niya na ginagampanan ng award winning Kapuso actor na si Martin del Rosario na gumanap bilang anak.

Ang #GMATeleBahay’s two-part specials ay ipinalabas bilang pagpupugay sa mga tatay at tatay figures na maraming sisinasakripisyo para maging maayos at ligtas ang pamilya at kapwa tao.