Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

GMA, wala pang plano

Hindi pa sumusulat ang kampo ng dating Pangulo Gloria Arroyo sa Sandiganbayan hinggil sa planong lumabas ng bansa upang magpasuri sa mga doktor sa abroad. Ayon kay retired Manila fiscal Jose Familiano, isa sa mga legal counsels ni Arroyo, na dumadaan pa siya sa ilan pang pagsusuri habang hinaharap nito ang mga pre-trial proceedings laban sa kasong graft na isinampa sa kanya tungkol sa NBN ZTE deal. Samantalang sa Mababang Kapulungan, aminado ang lahat na ang kalagayan ni Arroyo ay kailangan ng matinding atensyong-medikal mapa-kaalyado man ito ni Arroyo o hindi. (Philippine Star)