Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

GMA shows are now available in 58 Countries via Amazon Prime Video

Ang mga Filipinos sa buong mundo ay mapapanood na ang kanilang favorite Kapuso shows at artists via Amazon Prime Video.

Available na sa Prime Video ay ang top-rated shows ng GMA 7, The One That Got Away, Super Ma’am, Juan Happy Love Story, Beautiful Justice, atThe Gift.

Sina Lovi Poe (Alex), Rhian Ramos (Zoe), at Max Collins (Darcy) para sa The One That Got Away. Istorya ng tatlong babae na na-in love sa iisang lalake sa magkakaibang panahon hanggang sa sila ay naging magkakaibigan. Ang lalaking pare-pareho nilang minahal si Dennis Trillo (Liam).

Super Ma’am, na pinangunahan ni Marian Rivera-Dantes bilang Minerva Henerala. Isang high school teacher na nawalan ng ina at kapatid dahil sa isang archaeological accident maraming taon ang nakaraan. Sa paglipas ng panahon ay marami siyang nakasagupa tulad ng manananggal, shapeshifters na tinatawag na Tamawo. At dahil dito ay naging “Super Ma’am,” si Minerva, isang Tamawo hunter na tagapagligtas ng mamamayan.

Juan Happy Love Story, Si Heart Evangelista ang gumanap bilang si Happy katambal si Dennis Trillo bilang si Juan dela Costa. Nagkakilala dahil sa isang magnanakaw at dun nagsimula ang kanilang love story.

Ang tatlong babae na nagsama-sama upang ipaghigante ang kanilang mahal sa buhay. Pinangunahan nina Gabbi Garcia (Brie), Bea Binene (Kitkat), at Yasmien Kurdi (Alice) sa Beautiful Justice .

Si Alden Richards sa The Gift sa role na Sep, isang bulag na vendor sa Divisoria at nadiskubre niyang siya ay may abilidad na makita ang past at future. Ang teleserye na ito ay tumatalakay sa hope, transformation, at inspiration.

Lahat ng mga Kapuso shows ay available sa United States, United Kingdom, Australia, at New Zealand pati sa Latin America, Asia Pacific/Oceania, at Africa.