Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

GMA Artist Center Stars Spread Love at Grand Fans Day

Nagsama-sama ang GMA Artist Center stars para sa isang thanksgiving celebration. Pasasalamat ng mga artista para sa continued support mula sa kanilang mga tagahanga.

Ang mga hosts ng programa na sina Nicole Donesa at Lucho Ayala na nakisalo sa thanksgiving program na sinamahan pa ng kilig at entertainment mula sa kani-kanilang favorite Kapuso stars. Sinimulan ng birit ng The Clash alumni na sina Jong Madaliday, Psalms David, at Kyryll Ugdiman na inawit ang ‘Mga Kababayan Ko,’ at sinundan naman ng energetic performance ng kanilang fellow The Clash graduates, Mirriam Manalo, Danielle Ozaraga, at Muriel Lomadilla sa awiting ‘Manila Girl.’

Sinundan ni Julie Anne San Jose sa kanyang powerful performance at sunud-sunod nagtanghal ang iba pang favorite Kapuso teleserye stars. Sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Migo Adecer, Ashley Ortega, at Faith Da Silva ng Sahaya, at winelcome din sina Shaira Diaz, Kiray Celis, Yasser Marta, at Clint Bondad.

Nandun din para magbigay saya sina Barbie Forteza, Jak Roberto, EA Guzman, Max Collins, Raphael Landicho, Benjamin Alves, Kyline Alcantara, Jeric Gonzales at Gil Cuerva.

Dumalo rin sina Ruru Madrid at Ken Chan na nagpakilig sa crowd. Kasama rin sa program proper ay ang on-ground activities at prizes. Taos pusong pasasalamat ng Kapuso stars sa kanilang mga supporters at tagahanga sa patuloy na pagtangkilik sa lahat ng teleserye ng GMA 7.