Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Gloria, hindi nakakaawa

Kung iisipin natin, sa kalagayan ngayon ni dating Pangulo at ngayo’y Rep. Gloria Arroyo, siya ay lubhang nakakaawa dahil sa patung-patung na problemang kanyang hinaharap subalit may ilang kritiko ang sadyang hindi maawa sa kanya.  Ayon kay Bayan Muna party­list Rep. Neri Javier Colmenares, dahil umano sa mga pang-aabuso nito sa kapangyarihan at katiwalian sa gobyerno noong siya pa ang naka-upo sa Malacañang kung kaya’t hindi niya magawang maawa.  “Kung iisipin natin ang bilyun-bilyong piso na nawala nu’ng panahon niya tulad ng fertilizer scam, ang maraming nakulong at namatay sa extra-judicial killings, ang gulo na dinulot ng electoral fraud, ang paghihirap natin, mahirap kaawaan si GMA.  Mahirap aniyang maawa sa isang taong may malala kunong sakit pero pwedeng mangampanya sa pagka-congressman at sumuweldo sa taong bayan sa Congress kahit halos ‘di na siya uma-attend dito,” dagdag pa ni Colmenares.-(Abante-Tonite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *