Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Gift certificates wala ng expiration

Para higit na mapakinabangan ng mga consumers, wala nang expiry dates ang mga gift checks, gift cards o gift certificates sa mga produkto o serbisyo base sa bagong panuntunan na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, base ito sa inilabas ng ahensya na Administrative Order No. 10-40 noon pang Hunyo 25, 2010,at magiging epektibo sa darating a Hulyo 1. Nakasaad na lahat ng gift check o gift certificate ay dapat wala nang expiry date upang hindi masayang at higit na mapakinabangan ng mga consumers.

Pinayuhan naman ni Maglaya ang publiko na may hawak na GCs na may expiry date bago ang Hulyo 1 na gamitin na ito dahil sa hindi ito masasakop ng bagong panuntunan at masasayang lamang.- (Philstar)