Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Gaanong Oras ang Ginugugol ng mga Pilipino sa Social Media

Ayon sa resources, ang Pilipinas ang may pinakamalaking bilang ng internet users at gumagamit ng social media. Ito ay ayon sa report noong nakaraang 2018 at 2019. At ang Japan naman ang may pinakamababang bilang ng paggamit ng social media dahil mas marami ang old population. Hindi naman totally na hindi gumagamit ng social media ang mga Japanese. Ang ibig sabihin lamang nito ay kung gagamit sila ng social media ay may oras at naga-average lamang ng mababa sa 1 oras tuwing sila ay mago-online. At sa ibang bansa naman ay 2 oras kada araw. Hindi rito binibilang ang mga kumpanya kundi pang-indibiduwal na gamit ng social media.

Since ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng oras ng paggamit ng social media, gaano na ba sila katagal gumamit? Ang kasagutan ay 10 oras kada araw ang kanilang nagugugol sa paggamit ng social media.
Ang sumundo sa Pilipinas ay ang Brazil kung saan sila ay kumukunsumo ng 9 na oras at 29 minuto sa paggamit ng social media, kasunod ang Thailand, 9 na oras at 11 minuto at Indonesia, 8 oras at 36 minuto.

Ayon pa rin sa report, sa buong mundo, kapag ang average na paggamit ng social media sa isang araw ay 7 oras ay medyo nakaka-alama pero hindi ito matatawag na “internet addiction” o pagkagumon sa internet dahil hindi rin naman inuulat kung paano at gaano katagal ang gamit ng mga kumpanya. Ang ehemplo rin dyan ay yung mga kumpanya at indibiduwal na kailangang gumamit ng mas mahabang oras sa internet tulad ng travel company halimbawa na ang booking system, travel information at mahalaga din ang komunikasyon sa pagitan ng empleyado at employer na ang pinakamabilis na paraan ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng internet.

Ang mataas na paggamit ng internet sa Pilipinas ay hindi rin naman natin pwedeng i-consider na pagkagumon sa internet, dahil maraming mga Pinoy ang nagta-trabaho sa iba’t ibang bansa, ang time zone ang diperensiya. Kaya kung bibilangin, iniisip mo na 24 oras na naka-online ang mga Pinoy pero kung ang pagbabasehan ay ang time zone ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ay halos tama rin lang.

Kailangan rin nating harapin ang katotohanan na malaki na ang isinulong ng ating teknolohiya mula sa pagpapadala ng sulat sa ating mga kaibigan o pamilya sa ibang bansa hanggang sa pagkakaroon ng internet at iba’t ibang klase ng social media kung saan nagkikita-kita at naguusap ang magkakamag-anak at magkakaibigan sa pamamagitan ng social media.

Mas mabilis na komunikasyon at sa mga kumpanya ay mas madaling nagkakaroon ng resolusyon ang bawat usapin dahil nga sa makabagong teknolohiya na atin nang niyakap.