Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Four Sisters before the Wedding

Ang four sisters na minahal ninyo ay bumalik sa “Four Sisters before the Wedding” ng Star Cinema na pinalabas na sa SKY Movies Pay-Per-View noong nakarang Disyembre 11.

Kasunod sa 2013 blockbuster hit “Four Sisters and a Wedding” na pinagbidahan nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin, at Shaina Magdayao, ang palabas na ito ay tatampukan ng mga bagong mukha – sina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Gillian Vicencio, at Belle Mariano, na gaganap na young version nina Teddie, Bobbie, Alex, at Gabbie.

Sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz Alviar, ang pelikulang ito ay ibabalik lang sa mga manunood kung saan nagsimula bilang Salazar sister. Kasama ang kanilang bunsong kapatid na si CJ (Clarence Delgado), nagbigay sulyap sa panahon ng kanilang kabataan.

Bukod sa pagharap sa ups and down sa school at pag-ibig, nahaharap din sa hamon sa kanilang buhay habang ang kanilang ina, Grace (Carmina Villaroel), at ama, si Caloy (Dominic Ochoa) ay nag-iisip maghiwalay. Makakatulong ba na maitaguyod ang mga bagay na ito sa pagitan ng kanilang mga magulang at maging isang masayang pamilya muli, o ang kanilang mga ideya ay magiging sanhi lang ng kaguluhan para sa kanila?