Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Wholesome

Fly with AirAsia: KANSAI to MANILA

Ang AirAsia ay isang low cost Malaysian Airline na naka-base sa Kuala Lumpur, ang pinakamalaking airline sa bansang Malaysia na nag-o-operate sa loob at labas ng bansa (domestic and international) sa mahigit sa 165 na destinasyon sa iba’t ibang bansa. Ang affiliate airline ng AirAsia ay AirAsia X, Thai AirAsia, Thai AirAisa X, Indonesia AirAsia, Indonesia AirAsia X, Philippines AirAsia, AirAsia India at AirAisa Japan. Ang AirAsia ay laging pinaparangalan bilang pinakamurang airline sa Asya sa loob ng 11 taon.

AirAsia – The World’s Best Low-Cost Airline for 11 years

Ang AirAsia ang kinukunsiderang number 1 sa loob ng 11 magkakasunod na taon ayon sa Skytrax ratings.

Hindi porke’t low-cost ay hindi maganda ang serbisyo. Ang AirAsia ay kinukonsiderang 3-Star Low-Cost Airline sa kalidad ng kanilang serbisyo at produkto. Ang kanilang seats, comfort, food and beverages, maging ang cabin staff service at ground service ay the best.

Ang AirAsia ay nag-announce na mag-o-operate ang unang flight sa pagitan ng Pilipinas at Japan at ini-launch din nila ang daily services mula Maynila papuntang Osaka.

Ang Osaka ang magiging ikawalong international destination mula Pilipinas na magko-connect sa mga Pinoy sa magagandang lugar ng Osaka at Kansai region ng Japan. 

The launch of direct flights between the Philippines and Japan is a milestone occasion, and we’re excited to connect our capital, Manila with Osaka. Being able to travel directly and affordably to Osaka is fantastic news for Filipinos and we’re confident this new route will serve as a gateway for guests to connect to other popular destinations in Japan such as Kyoto and Nara,” pahayag ni AirAsia Philippines President and CEO Dexter Comendador.

Ang AirAsia ay nag-o-operate sa iba’t ibang international destinations mula Maynila kasama ang Kuala Lumpur, Kota Kinabalu, Bangkok, Bali, Seoul, Taipei, Kaohsiung, Shanghai, Guangzhou, Shenzhen, Hong Kong, Macau at Ho Chi Minh City.

Located sa Kansai region, ang Osaka ay pangatlong malaking siyudad sa Japan kung saan maraming turista ang naaakit sa maraming attractions kasama na riyan ang historical Osaka Castle, Sumiyoshi Taisha at Shitenno-ji Temple. Maganda rin ang amusement parks tulad ng Universal Studios Japan at Legoland Discovery Centre.

Comfort Seat

Isa sa ipinagmamalaki ng AirAsia ang kanilang Airbus A320 kung saan mayroon itong 180 standard Economy Class seats kung saan mas maluwag ang espasyo at mas convenient para sa mga pasahero habang nasa biyahe.

Standard Seats
Hot Seats

May option din na pumili ng seat habang nagbu-book. Ang option na “Pick A Seat” ay may karagdagang mababang halaga. Ang standard seat ay nagkakahalaga ng JPY 489 ~ at ang hot seat kung saan mas maluwag ang espasyo ay nagkakahalaga ng JPY 1,229 ~. Kung hindi ka naman pipili ay automatic na i-a-allocate ka ng seat number sa check-in.

Kung nakabili ka naman ng Value Pack bundle o Premium Flex, maaari kang pumili ng gustong seat for free.

Kaya sa travelers na gusto na mas relaxing ang kanilang flight ay mas mabuting habang nagbu-book online ay gamitin ang Pick A Seat option para ma-enjoy ang inyong flight.

Checked-Baggage

Ang basic fare ay automatic na may kasamang 7kg cabin baggage. May karagdagang bayad kung gusto mong mag-add ng checked baggage. Mas mainam na magbook ng checked baggage during online booking para mas makamura kumpara sa pagbabayad sa airport.


Checked Baggage Fee:

In-flight Meals

Ang Airbus A320 ay nagbibigay ng mas convenient travel at kasama na rin ang masarap na pagkain sa menu na ihahatag ng naturang airline. Mayroon silang wide selection ng meals tulad ng ASEAN, international at vegetarian options para sa lahat. Upang mag-pre-book ng in-flight meals ay kailangang 24 hours bago ang scheduled flight. Ang kanilang Santan Combo Meal ay may mababang halaga pero makakapili ka ng mainit at masarap na pagkain tulad ng mga:

  • Chef Hong Thaimee’s INSPI(RED) Burger(JPY 309) – ito ay nakabalot sa beetroot-flavoured brioche buns at tender juicy homemade chicken patty na hinaluan ng fish sauce, kaffir lime leaves at lemongrass, at nilagyan sa ibabaw ng shredded purple (red) cabbage at seedless tomato. Ang sikreto ng malinamnam na lasa ng burger ay ang ‘Nam Prik Noom Mayo’ green chili mayonnaise sauce ng kanyang lola. Para sa spicy food lovers, ito ay magugustuhan ninyo.

  • Beef Tapa with Scrambled Egg(JPY 309) – Ang manipis na hiwa ng beef na ibinabad sa suka, toyo, asin, black pepper at bawang ang nagbibigay ng linamnam sa pagkaing ito na isa rin sa specialty ni Chef Hong Thaimee.

  • Vegetable Rice Bowl (JPY 309) –Deep fried tofu, shimeji mushroom, bok choy at napapanahong gulay na niluto sa vegetarian oyster sauce na inihahain kasama ang mabangong jasmine rice. Ito ay free from any dairy ingredients, itlog, bawang at sibuyas.
Services

Hindi matatawaran ang ganda ng serbisyo ng AirAsia. Simula pa lang sa check-in time hanggang sa pagpasok sa eroplano ay mapapansin na helpful at friendly ang mga cabin staff.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *