Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Fake News!

Tinapos na ni Carmina Villaroel ang usap-usapang nag-quit diumano siya sa showbiz at nagtayo na siya ng sariling skin care brand.

Fake news! This is not true!,” paglilinaw niya.

I’m not quitting showbiz. I’m not endorsing this product and I don’t own a skin care line. I don’t even know if this product exists and I won’t/will not bad mouth or belittle other brands just to promote another. So please don’t believe this news!” dagdag pa ni Carmina.

Sa makabagong panahon ngayon lalo na sa social media, maraming mga taong walang magawang maganda o siguro nabo-bore sa buhay ay gustong manakit o manira ng kapwa sa pamamagitan ng paglalabas ng fake news. Maganda naman ang ginawa ni Carmina na inagapan niya agad at pinabulaanan ang pekeng balita. Alam ng marami na masaya siya sa tinatakbo ng kanyang career plus nandyan na rin ang kanyang mga anak na contract artists na ng GMA 7. Isa sa popular endorsers ng mga produkto ang pamilyang Legazpi kaya wala nang mahihiling pa si Carmina sa kanyang tinatamasang stability sa career at tagumpay sa endorsements.