Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Eugene Domingo, may attitude problem?

Marami ang lumalabas na balita at maging sa blind item na may isang artista raw na matindi ang attitude problem kung kaya’t ang kanyang mga tv shows ay mawawala na ere?

Si Eugene Domingo ang itinuturo sa blind item. Mukha diumano pumasok sa ulo niya ang ere kung kaya’t hindi na maabot ang kanyang pantasya. Ang attitude problem na no-no sa showbiz ang kanya diumano pinairal at hindi ang mahusay na pakikisama. Nasaan na raw ang Uge na kanilang nakilala noong nagu-umpisa pa lamang ito? Nasaan na raw si Eugene na noong theater days pa raw niya ay marunong makisama? Bakit daw biglang nagbago ang ihip ng hangin?

Totoo ngang papalitan na ang kanyang Celebrity Bluff, na kung ilang taon ding namayagpag sa ere, ng bagong show ng GMA 7 ang “The Clash”. At may bulung-bulungan na pati ang kanyang Dear Uge ay masisibak na rin. Anyway, hinihingan ng comment si Eugene ukol dito at nirerespeto naman natin ang kanyang pananahimik ukol sa isyu na ito.