Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Empleyado ng PAGASA, nagprotesta

Pinamunuan ni Ramon Agustin, presidente ng Philippine Weathermen Employees Association ang isang kilos-protesta kung saan nagsuot sila ng itim na armbands sa naudlot na benepisyo at sahod na hindi naibigay sa kanila ng gobyerno simula noong Marso. Bunga nito, dumiretso ang Pangulo sa opisina ng PAGASA kasama sina Budget Secretary Florencio Abad, Science Secretary Mario Montejo at Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma upang kausapin ang mga empleyado na huwag munang magprotesta dahil sa bantang hatid ni Helen. Bwelta naman ni Agustin na ang naudlot na sahod ang naging dahilan kung bakit hindi makapasok sa trabaho ang ilan at naging sanhi pa ng pagkamatay ng isang weatherman dahil wala na itong perang pambili ng gamot. (Philippine Star)