Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Donny Pangilinan and Belle Mariano: The New Gen Phenomenal Loveteam

Ang loveteam nina Donnie at Belle o DonBelle sa kanilang mga tagahanga ay ini-launch noong kasagsagan ng pandemic lockdown sa Pilipinas at tigil lahat ang trabaho at maging ang showbiz ay tigil rin sa pag-ere ng kani-kanilang programa.

Pero hindi ito naging sagabal sa pamunuan ng ABS CBN upang hindi nila ituloy ang pagpapakilala sa kanilang bagong loveteam.

Inilunsad ang tambalang Donnie at Belle sa pamamagitan ng youth-oriented 10-episode series na “He’s Into Her.”  Tinanggap ng mainit ng manonood ang kanilang tv series at ang kanilang loveteam.

Ang youth-oriented series na “He’s Into Her” ay umani ng nomination sa 2021 Venice TV Award para sa Cross Platform Programming category. Nagwagi rin ito ng national award para sa  Best Original Program category sa Asian Academy Creative Awards 2021.

Pinag-uusapan na ang second season ng He’s Into Her, at ang tambalang DonBelle ay kinokonsidera ng ABS CBN na isa sa magiging sikat na loveteam sa pagpasok ng 2022 at sa makabagong henerasyon.

Sa kasalukuyan ay may bagong  movie offering ang Star Cinema, ang “Love is Color Blind” na tinatampukan ng isa sa hottest loveteam na sina Donnie at Belle.

Maraming nagtatanong ano ba raw ang nakita ng pamunuan ng ABS CBN para ilunsad ang DonBelle loveteam, ang sagot naman ng ABS CBN, compatibility at good rapport sa isa’t isa.

Inamin naman ni Belle na kapag nasa set sila at nagtatrabaho ay nag-eenjoy sila at hindi nila alintana ang pagod at haba ng taping dahil feeling nila ay nasasakyan nila ang ugali ng isa’t isa.

Nabanggit din ni Belle na ang katangian ni Donnie ay pwedeng pang-boyfriend material. Inamin naman ni Belle na maraming katangian si Donnie na siguradong magugustuhan ng mga girls dahil sa bukod sa matangkad at gwapo ay mabait at ma-respeto daw.

Pero kung sa kanila ang pagu-usapan, inamin niya ang sa ngayon ay puro work lang muna ang kanilang focus dahil mga bata pa naman sila at gusto nila i-enjoy ang pagiging magkaibigan at nag-eenjoy din sa work at pati ang success ng kanilang loveteam ay kanilang ipinagpapasalamat sa ABS CBN at sa kani-kanilang mga tagahanga na patuloy na tumatangkilik sa kanila.

Marami rin ang nakapansin na parang Kathniel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) ang loveteam nina Donny at Belle dahil tinatahak nila ngayon ang tinahak ng Kathniel noong nagu-umpisa pa lang ang loveteam nito.

Hoping for the best sa DonBelle loveteam at maybe, we will be seeing another Kathniel in them. Goodluck!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *