Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Different Kinds of Tapioca Food

Ang mga karaniwang gamit para sa tapioca ay tulad ng mga tapioca pudding, bubble o boba tea, at ibang candies at dessert. Ang tapioca pudding at boba tea ay parehong ginawa, gamit ang pearled tapioca, o maliliit na tapioca starch na nagiging chewy at gummy ball kapag naluto na.

Bilang karagdagan, ang tapioca ay madalas na inihahalo sa mga sopas, sarsa at gravies upang lumikha ng pampalapot sa pagkain dahil mas mura pa ito sa harina. Ang tapioca ay maaaring maidagdag sa mga ground meat products, tulad ng burger, chicken nuggets at dough para ma-improved ang texture at moisture ng sangkap.

Maraming iba’t ibang recipe ang nagagawa sa tapioca na halos masasarap at naiibigan ng mga Pinoy at mga Hapon. Narito ang ilang pagkain na gawa sa tapioca:    

TAPIOCA PEARL PUDDING


Ito ay isa sa mga refreshing dessert drinks na kinagigiliwan ng young and adults. Ang pudding ay gluten free at madaling gawin na may kasamang coconut milk o creamy milk para sa creamy texture nito. Ang tapioca pearls ay mula sa tapioca starch na galing sa cassava o tapioca plant. Ito ay ginagamit rin sa boba drinks at pudding. Para naman sa pudding, gagamit ng whole milk, heavy cream, asin, sugar, pula ng itlog, grated nutmeg at syempre, ang tapioca pearls.

COCONUT MANGO TAPIOCA PUDDING

Credits to Eloise (Flickr)

Pangalan pa lang ay heavenly na. Ang coconut tapioca pudding na may mango puree ay satisfying. Ang tapioca na mababa sa fat pero mataas sa carb contents na mahusay na thickener sa lahat ng sweet at savory dishes. Ang coconut mango pudding ay madaling gawin basta kumpleto sa ingredients (tapioca pearls, coconut milk, maple syrup, vanilla extract para sa pudding; para naman sa puree, mango, lime juice, coconut milk at coconut sugar) at magagawa ito sa loob lamang ng 30 minuto. Optional naman ang topping na mint.

TAHO


Basta sambitin ang pangalan na taho ay makikita mo ang tuwa at saya sa mukha ng mga bata. Paggising pa lang sa umaga, maririnig mo ang naglalako ng taho at makikita ang mga batang lumalabas ng kanilang tahanan na may dalang lalagyan para paglagyan ng taho. Ang taho ay may pudding-like texture na nilalagyan ng arnibal at sago sa ibabaw para makumpleto ang lasa nito. Saan nga ba gawa ang taho? Ito ay gawa sa tofu na galing sa soybeans. Sabi nga ng mga nanay natin, ang taho ay hindi mabubuo kung madumi. Kaya asahan mong malinis ito.

GINATANG BILO-BILO

Credits to angsarap.net

Kilala rin bilang ginataang halo-halo ay isa sa mga popular na meryenda (bukod sa turon o banana cue) sa Pilipinas. Ito ay gawa sa malagkit na rice balls (bilo-bilo), saging na saba (banana plantain), kamote, at tapioca pearls at iluluto sa sweet coconut milk at para maging mas espesyal ang lasa ay nilalagyan ng langka. Itinuturing na comfort food sa tag-ulan. Maaaring kainin ng malamig o mainit.

TAPIOCA BREAD

Ang tapioca bread ay hindi regular na bread recipe. Ito ay gawa sa tapioca starch/flour, itlog, gatas, cheese at mantika. Ito ay chewy at cheesy at parang popovers na may pagka-flaky. Madali lang ang ingredients nito: shredded low moisture mozzarella cheese, itlog, kosher salt, neutral oil (e.g. grapeseed, canola, o vegetable), syempre ang tapioca starch/flour at gatas (whole o low fat).

WARM TAPIOCA DRINK


Sa pagpasok ng taglamig, unti-unti na rin natin nararamdaman ang pagbabago ng dapyo ng hangin sa ating balat. Lumalamig na. At syempre para maibsan ang lamig ay umiinom tayo ng mainit either tea o coffee at ang nauuso ngayong warm tapioca drink. May mga lugar na nag-o-offer ng seasonal na tapioca warm drink tulad ng Mister Donut kung saan mayroon silang Hot Tapioca beverages na may dalawang klase: ang Hot Milk Tea at Hot Matcha Milk. Ang Hot Matcha Milk ay kino-combine ang matcha-flavoured tapioca at milk, samantalang ang Hot Milk Tea naman ay mix ng royal milk tea na may taste ng uva tea leaves at tapioca. Ang drinks na ito ay seasonal na available lamang mula autumn hanggang winter sa Japan.