Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

De Lima, sinibak sa listahan ng mga nominado bilang Chief Justice

Dahil sa dalawang disbarment cases laban kay Justice Secretary Leila de Lima, tinanggal ng Judicial and Bar Council (JBC) ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nominado bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema. Dahil dito, walong pangalan na lamang ang nakasalang kung saan ipapasa ito ng JBC kay Pangulong Aquino upang makapili na ito ng susunod na Chief Justice. Nakasulat sa Article 8, Section 4 ng Saligang Batas na mayroong 90 araw ang pangulo sa pagpili para punan ang nabakanteng posisyon. (Philippine Daily Inquirer)