Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Dagdag sahod sa mga Kasambahay sa Metro Manila, Aprubado na!

Inaprubrahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region o RTWPB-NCR ang dagdag-sahod sa mga kasambahay, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ito ay nagkakahalaga ng Php1,000.

Ang magiging kabuuan na magiging take home kada buwan ng mga kasambahay ay magkakahalaga na ng Php 6,000 para sa NCR.

Magbebenipisyo dito ang mahigit sa 200,000 kasambahay sa Metro Manila na naging malugod naman ang pagtanggap sa nasabing kautusan. Inaabangan rin ang wage increase ng mga kasambahay sa Calabarzon at Soccsksargen para lahat ng kasambahay sa buong Pilipinas ay makapamuhay ng medyo maluwag sa tatanggapin nilang panibagong sahod.