Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Covid cases sa NCR, tumataas na naman, Alert Level 2 ikinakasa

Hindi na bago sa atin ang pagtaas baba ng cases ng covid 19 sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas dahil sinasabi naman ng tagapagsalita ng DOH na hindi dapat pangambahan dahil kung tumaas man ang kaso s ilang lugar, ito ay minimal na lamang dahil halos lahat ng Pinoy ay bakunado na, pero mayroong mangilan-mangilan pa ring na matitigas ang ulo na sadyang ayaw sumunod sa panuntunan ng Department of Health dahil nagiging kampante na anila ang mga Pilipino.  Ika nila, hindi dahil sa ibinababa na sa alert level 1 ang NCR at iba pang kalapit na lugar ay magiging pabaya na ang mga ito, dapat ay hindi pa rin nila kalilimutan na sumunod sa health protocol ng IATF.  Ang pagsusuot ng face mask ay malaki ang maitutulong at pwede na natin itong gawin parte ng ating new normal.

Ayon sa isang  Infectious Diseases Expert at vaccine expert member na si Dr. Rontgene Solante, kapag nakita nilang umabot sa kanilang pamantayan ang taas ng cases ng covid ay kanila ring itataas ang level sa lugar na natukoy. Anila pa, kailangang maging mas mahigpit ang pagbabantay na lalo na at nakapasok na ang Omicron subvariant BA.5 sa bansa.