Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Covid Cases, posibleng tumaas dahil a voluntary mask mandate

Kamakailan ay nagpahayag si Tourism Secretary Christina Frasco na maglalabas ng executive order si Pangulong Bongbong Marcos para sa pagbo-boluntaryong pagsuot ng face mask sa loob ng anumang establishments.

Ikinabahala naman ni  Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang utos na io dahil aniya, maaaring tumaas ang kaso ng covid virus infection hanggang sa huling ilang buwan ng 2022.  Nagpahayag din si Vergiere ng pagkabahala dahil hindi pa tapos ang pandemya at may mga variants at subvariants pa rin ng covid ang pumapasok sa Pilipinas.
Sa ibang panig ng mundo, ang ilang bansa ay medyo nag-relax na sa kani-kanilang health protocols at niyakap na ang katotohanang ang virus ay kasama na sa ating pang-araw araw na buhay.  Dapat lamang na maging mas maingat at pangalagaan ang kalusugan.  Boluntaryo naman ang pag-uutos na ito ng Pangulong Marcos kaya nasa mamamayan pa rin ang pag-iingat.