Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Copycat Wok Inn Squid

Sangkap:

Squid

· 3 pirasong malaking squid

· 2 malaking bungkos ng chives, alisin ang dulo o roots

· 1/2 tasang cornstarch

· asin

· paminta

· mantika

Soy Glaze Sauce

· 1/2 tasang Filipino soy sauce

· 1/4 tasang tubig

· 6 kutsarang honey

· 2 kutsarang oyster sauce

· 2 kutsarang apple cider vinegar

· 6 kutsarang dark brown sugar

· 2 kutsaritang cornstarch

· 4 kutsarang bawang, pitpitin at hiwaing maliit

· 4 kutsaritang luya, pitpitin at hiwaing maliit

· 2 kutsarang mantika

Paraan:

1. Hilamusan ng asin at paminta ang loob at labas ng kabuuan ng squid.

2. Ilagay ang chives sa loob ng squid at isara ang dulo sa pamamagitan ng toothpick.

3. Ilagay sa cornstarch ang squid at i-deep fry ang bawat squid sa loob ng 3 minuto. Huwag i-overcook para hindi tumigas ang squid.

4. Habang hinihintay na maluto ang squid ay gawin ang sauce. Initin ang sauce atlagyan ng mantika. Igisa ang bawang at luya sa mahinang apoy.

5. Sa mangkok, pagsamahin ang natitirang sangkap ng Soy Glaze Sauce at haluing mabuti.

6. ILagay ang mixture sa sauce pan at pakuluin at hayaang kumulo sa mahinang apoy hanggang lumapot ang sauce. Patayin ang apoy at itabi.

7. Kapag naluto na ang squid, hanguin mula sa pinagprituhan at ilagay sa serving plate at alisin ang toothpick at ibuhos ang sauce sa ibabaw nito at lagyan ng toppings na fried garlic sa ibabaw.

Photo and recipe credits: www.angsarap.net