Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Copycat Kenny Rogers Kimcheese Roast

Sangkap:

Chicken

  • 1 1/2 to 1 3/4 kg whole chicken thigh with legs
  • 1 1/2 tbsp sea salt
  • paminta
  • juice mula sa kalahating lemon
  • 1 kutsarang honey
  •  buong bawang, pitpitin gamit ang dikdikan
  • 4 tangkay ng spring onions
  • 400 g Nacho cheese sauce

Marinade

  • 2 kutsaritang liquid smoke ( mabibili online)
  • 1/4 tasang gochujang
  • 1/4 tasang melted butter

Paraan:

 1.     Linisin ang chicken sa gripo at tuyuin gamit ang paper towel.

2.     Lagyan ng asin at paminta. Itabi sa loob ng 30 minuto.

3.     Pagsamahin ang lahat ng sangkap pang- marinade at imasaheng maigi sa chicken para masipsip ang marinade.  Ilagay sa isang container na may takip at ilagay sa loob ng refrigerator para masipsip ng mabuti ng chicken.

4.     Kinabukasan, alisin ang chicken sa ref 1 oras bago ito iluto para bumaba sa room temperature ang chicken.

5.      Ilagay ang bawang at spring onion sa ilalim ng baking tray bago ilagay ang chicken. I-roast ang chicken sa pre-heated na oven 135C at i-roast sa loob ng 3 oras o hanggang maluto.  Habang niluluto, i-baste ito ng pinagbabaran ng chicken kada 1 oras at kada 15 minuto sa huling oras ng pagluluto.

6.      Pagkaluto, alisin sa oven ang chicken at pagsamahin ang lemon juice at honey, gamit ang pastry brush, ipahid ang lemon at honey sa chicken at hayaang lumamig ng konti bago hiwain.

7.     Initin ang Nacho cheese sauce, ilagay sa ibabaw ng chicken kapag inihain na.

 Recipe and photo credits to www.angsarap.net