Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Copycat Jollibee Garlic Pepper Beef

Sangkap:

  • 1 1/2 kg beef ribs, hiwain by section
  • 6 tasang tubig
  • 2 kutsarang harina
  • 2 kutsarang butter
  • piniritong bawang
  • asin
  • paminta
  • mantika

Paraan:

  1. Hilamusan ng asin ang beef ribs.
  2. Lagyan ng mantika ang isang malaking kawali o wok at ilagay ang ribs at haluin hanggang magkulay brown ang lahat ng sides. Hanguin at itabi.
  3. Ihanda ang isang pot at painitin at ilagay ang ribs kasama ang juice na pinaglutuang kawali. Maglagay ng tubig sa pot kasama ang 3 kutsarang piniritong bawang at 1 kutsarang paminta at pakuluin, hayaang kumulo sa loob ng 30 minuto. Paminsan-minsan ay i-check ang level ng sabaw at magdagdag ng tubig kung kinakailangan. Palipasin ang 1 at kalahating oras ng pagpapakulo, dapat ay nabawasan na ang sabaw sa 3 tasa ang dami.
  4. Kanawin sa ½ tasang tubig ang 2 kutsarang harina, ibuhos sa pot at ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 15 minuto sa mahinang apoy at haggang lumapot ang sabaw.
  5. Ilagay ang butter, haluin at lasahan ng asin kung kinakailangan at lagyan rin ng paminta. Alisin ang pot mula sa stove at lagyan ng piniritong bawang sa ibabaw.

Recipe and photo credits: www.angsarap.net