Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Cleverbuy, i-imbestigahan ng NBI

Pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa internet scam case na sangkot ang coupon/voucher website Cleverbuy.com.  Nakatanggap ng sari-saring  reklamo ang tanggapan ng NBI mula sa mamimili na nagbayad para sa travel package, ang iba ay daang libo ang ibinayad subalit wala silang natanggap na kumpirmasyon man lang mula sa kumpanya.

Ayon kay NBI computer crimes unit chief Migdonio Congzon Jr. na hinahanap na nila ang mga tao sa likod ng kumpanyang inirereklamo na may pananagutan sa kasong estafa o swindling. Inamin din ni Congzon na walang regulatory body na maaaring salain ang ganitong group buying sites.  Pinayuhan ang mga mamimili na mag-ingat lalo na kung ang deals a ino-offer ay sobrang mura. “if it’s too good to be true, it must not be true at all,” sabi ni Congzon.  – (ABS CBN)