Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

CJ Corona, Nag-walk-out!?

Hindi makapaniwala ang mga taong nakapanood ng impeachment trial nang si CJ Renato Corona ang siyang tumayo sa witness stand.  Hindi akalain ng mga tao at mismong ang prosecutors at maging ang senator judges na magwo-walk out ang chief justice na walang paalam.  Medyo nairita si Senator Enrile sa ginawa ni Corona at biglang nag-sermon ito, “I have respect for the Chief Justice, but I equally demand a respect to this institution.

I will not allow abuse of authority against this court for as I am the presiding officer,” sambit pa ni Enrile.Pinabalik ng mga judges si Corona at nang bumalik na ito ay naka-wheel chair na kaya sari-saring reaksyon mula sa iba’t ibang sekta.