Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chao Long

Naging popular sa Pilipinas ang mga pagkain na galing Vietnam. Pho ang isa sa mga paboritong pagkain ng Pinoy. Kaya naman nagkaroon din ng ideya ang mga Pinoy na gumawa ng pagkaing hawig sa kanilang Pho. Ito ay ang Chao Long. Ang Chao Long ay Filipino style Pho (inspired ng Vietnamese) na ginagawa na may kasamang rice noodles sa mas malasang beef broth na may kasamang chunks ng beef, kalamansi at herbs na nakakapag-enhance ng lasa.

Sangkap:

Marinade

6 piraso ng bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
1 maliit na luya, hiwaing makapal at pitpitin
4 kutsarang patis (fish sauce)
2 kutsaritang five spice powder
1 kutsarang asukal na pula (brown sugar)

Soup

1 kg beef brisket, hiwaing pakuwadrado
1 kg buto-buto ng baka (beef bones)
3 pirasong carrots, hiwaing pakuwadrado
2 tangkay ng lemongrass, pitpitin
1 buong ulo ng bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
2 pulang sibuyas, hiwaing makaapat
2 litrong tubig
4 kutsarang tomato paste
2 kutsarang banana ketchup
2 kutsarang soy sauce
asin
puting paminta

Iba pang sangkap:

400 ground o flat rice noodles, lutuin ayon sa dereksyon mula sa pakete
calamansi o lemon wedges, ilalagay sa pagkain pag nakahain na ito
toge (bean sprouts), karagdagan sangkap sa pagkain kapag nakahain na ito
coriander, inilalagay sa ibabaw ng soup pampalasa, sibuyas na puti (white onions), hiwaing maninipis at ilalagay sa ibabaw ng soup. Mantika.

Paraan:

1. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap na pang-marinada. Haluin mabuti.
2. Ilagay ang beef brisket sa malaking bowl at ihalo ang mga sangkap na pang-marinada, haluing mabuti para kumapit ang lasa sa beef. Itabi at Ibabad sa marinada sa loob ng 30 minuto.
3. Ilagay ang buto ng baka sa isang malaking kaserola at lagyan ng tubig na nakalubog ang mga buto. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto. Pagkatapos pakuluin ay itapon ang tubig at hugasan ang buto sa running water para maalis ang dumi na galing sa buto. Pagkahugas ay isang tabi muna.
4. Sa ibang kaserola, ilagay ang napakuluang buto at maglagay ng 2 litrong tubig at ilagay ang lemongrass at 1 kutsarang asin. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 2 oras.
5. Sa kawali maglagay ng mantika at ilagay ang na-marinadang beef brisket, haluin hanggang magkulay brown ang labas ng brisket. Hanguin sa pan at itabi. I-deglaze ang pan sa pamamagitan ng paglalagay ng 1/2 tasang tubig at ilagay ang likido sa isang kaserola ng pinakukulong buto ng baka.
6. Gamit sa parehong pan, igisa ang bawang at sibuyas.
7. Ihalo ang tomatos at lutuin sa loob ng 1 minuto.
8. Ihalo ang soy sauce at banana ketchup at lutuin sa loob ng 1 minuto.
9. Ibalik ang beef brisket at haluin at saka patayin ang apoy.
10. Ilagay sa kaserola ng buto ang lahat ng nasa pan at idagdag ang carrots. I-deglaze ulit ang pot sa paglalagay ng stock para makuha nito ang lahat ng lasa mula sa pan. Pakuluing mabuti at hayaang kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 1 hanggang 1/2 oras o hanggang ang beef brisket ay malambot na. Lasahan ng asin at paminta at patayin ang apoy.
11. Ihanda ang noodles sa mangkok at ibuhos ang soup. Lagyan ng coriander sa ibabaw at sibuyas at toge o bean sprouts. Ihain na may kalamansi sa tabi.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net