Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

CHACHA ‘DI HAHARANGIN

Ayon sa Malacañang hindi nila pipigilan ang patuloy pa ring nagsusulong ng panukalang pag-amiyenda ng Konstitusyon.   Ayon kay Pangulong  Aquino, handa nitong pakinggan ang mga puntos ng mga nagsusulong ng panukala.  Bilang isang demokrasyang bansa nais din niyang pakinggan kung ano ang mga punto at ideya ng mga nagsusulong ng panukala dahil sa pamamagitan na rin nito ay maaaring makabuo kung ano ang makakabuti para sa taumbayan.  Aminado ang Pangulo, na ang pagbabago ng Saligang Batas ay hindi naman basta-basta na lamang at kailangan maging maingat dahil oras na ito’y mabuksan ay hindi na umano maililimita ang mga probisyong dapat na baguhin at dadaan na naman sa debate.  “So hindi magaan na bagay ‘yung pag-iisip ng pagpapalit ng Saligang Batas,” ayon sa Pangulo.  Sa ngayon, dagdag pa ng Pangulo, ay hindi pa naman sila nagkakausap ng dalawang lider ng Kongreso ukol dito. -(Abante-Tonite)