Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Carmina Villaroel – The Durable Actress of All Times

Bata pa nang mag-umpisa si Carmina Villaroel sa showbiz at nasubaybayan ang kanyang paglaki. Mula sa pagkabata, hanggang magdalaga, umibig at nasawi at ngayo’y isa nang ina ng kambal sa kanyang butihing asawang si Zoren Legaspi.
Bukas na aklat ang lovelife ni Carmina , mula sa puppy love hanggang sa magpakasal siya kay Rustom Padilla.  Hindi man naging maganda ang pinatunguhan ang pagsasama nina Carmina at Rustom ay nanatili naman silang magkaibigan.
 
Ngayon ay masaya at mas tahimik and fulfilling na ang buhay ni Mina kasama ang kanyang pamilya sa piling ni Zoren Legaspi at ang kanyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy.
Sa pagdaan ng panahon ay hindi pa rin tumigil sa acting si Carmina, bagkus ay mas lalo siyang naging visible sa telebisyon.  At hindi lang si Carmina ang napapanood sa mga teleserye sa GMA 7 kundi pati ang kanyang asawang si Zoren at ang kanilang mga anak na isa na rin sa iniidolo ng mga tagahanga, sina Cassy at Mavi.
 
Sa kasalukuyan ay kasama si Carmina sa isa sa pinakabagong teleserye ng GMA 7, ang Widow’s Web.  Tawag ng trabaho kaya’t kailangan muna niyang iwan ang kanyang pamilya para sumabak sa lock in taping ng naturang teleserye.
Very close family ang mga Legaspi kaya naman sa tuwing ang isang miyembro ng kanilang pamilya ay may gagawing teleserye at kailangang mag-lock in sa taping ay nalulungkot sila pero on the other side, dahil sa mahal nila ang craft nila at tuloy pa rin sa trabaho.
Believe you me, mahuhusay ring artista ang mga anak nina Carmina at Zoren, at talaga namang may pinagmanahan.  
 
Sa pinakabagong teleserye ni Mina, kasama siya sa apat na widow na maiipit sa isang murder case na punumpuno ng kasinungalingan, mystery at lihim.
 
How can I say no to this project? Ito ang unang suspenserye ng GMA. When this was offered to me, wala pa akong alam kung sino ‘yung ibang cast, pinabasa lang sa akin ‘yung synopsis and I said yes to do it right away without knowing lahat,” paglalahad ni Carmina na hindi na nagdalawang isip nung tanggapin niya ang project. “The story itself captured my attention kasi gusto ko ‘yung ganon, every time I do something new, gusto ko yung ma-eexcite ako.
 
Bukod sa mga teleseryeng ginagawa ni Carmina sa GMA Network ay hindi pa rin niya pinababayaan ang kanyang pamilya.  Actually, masayang-masaya at grateful ang lahat, mula sa kanyang asawang si Zoren hanggang sa kanyang kambal na si Mavi at Cassie, dahil kahit nagtatatrabaho si Mina ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagtawag at magpaalala sa mga dapat gawin sa bahay.  Para bang kahit nasa taping siya ay parang naroon pa rin ang presence niya sa bahay.  Magbago man ang panahon ay hindi na siguro magbabago si Carmina , meaning ang kanyang pagiging caring na asawa at ina sa kanyang mga anak.  Kaya naman, hindi makakalimutan ng mga tagahanga si Carmina dahil marunong siyang mag-alaga.  Ang pag-aalaga sa pamilya at sa kanyang career.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *