Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Callos

Ang “Tripe” ay nagmula sa salitang Italyano na “trippa” , na mula sa laman loob ng baka at baboy. Sa Pilipinas, ito ay tinatawg na “tuwalya” dahil na rin marahil sa mukha itong tuwalya sa hitsura. Ang putaheng Callos ay nagmula sa bansang Espanya pero isa sa popular na pagkain sa ating bansa.

Sangkap
  • 400g Ox Tripe, linisin at hiwaing pahaba ng
  • 1.5 x .5 ang sukat
  • 400g Pork Leg meat, hiwain
  • 2 pirasong chorizo, hiwain
  • 1 buong bawang, pitpitin at hiwain ng maliit
  • 1 buong sibuyas na pula, hiwaing maliit
  • 1 kutsaritang pamintang pino
  • 3 pirasong bay leaf ( laurel)
  • 1 1/2 tasang chick peas (garbanzos), lutuin
  • 2 pulang capsicums, hiwaing pakuwadrado
  • 1/2 tasang Tomato Paste
  • 4 pirasong kamatis, hiwaing maliit
  • 5 tasang sabaw ng baka (beef stock)
  • 3 kutsarang soy sauce
  • Fish sauce ( patis)
  • Fried garlic ( piniritong bawang)
  • olive oil
Paraan
  1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil hanggang ang bawang ay medyo magkulay golden
    brown.
  2. Idagdag ang kamatis, tuwalya at igisa at ihalo ang 4 na tasang sabaw ngbaka. Pakuluin at hayaang kumulo sa mababang init ng apoy sa loob ng 1.5 oras ( isa’t kalahati) o hanggang lumambot angbaka. Magdag ng sabaw kung kinakailangan.
  3. Ilagay ang baboy, chorizo, tomato paste, bay leaf, chickpeas, soy sauce at hayaang kumulo sa loob ng karagdagang 45 minutos.
  4. Sa huli, ilagay ang capsicum at lasahan ng patis at pakuluin sa loob ng 25 minutos.
  5. Ihain at ilagay sa ibabaw ang piniritong bawang.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net