Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Call Center, inilunsad

Inilunsad ang sariling “Call Center” ng gobyerno upang makatulong sa mga mamamayan na nais idulog ang kanilang reklamo laban sa mga ahensiya ng gobyerno na hindi inaasikaso ang mga idinudulog na problema.  Ito ay tinawag na Contact Center ng Bayan (CCB).

Wala itong ipinagkaiba sa call centers kung saan, lahat ng tanong at problema sa isang ahensya ng gobyerno ay puwedeng itawag sa 1-6565.  Layon nito ay upang mabawasan kundi man tuluyang mawala ang red tape sa gobyerno na karaniwang inirereklamo ng mga tao dahil sa matagal na pagtugon sa problema ng mamamayan.