Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Buwis sa Filipino film Industry, Pinatatanggal

Naghain ng Senate Bill No. 28 si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na paga-alis ng buwis sa mga Pelikulang Pilipino. Ang layon ng bill na io ay upang matulungan ang film industry na makabangong mli sa pagkakalugok dulot ng Covid-19 epidemic.

Nakasaad sa panukalang inihain ni Senador Revilla ay alisi ang iba’t ibang klase ng taxes, national at local,na ipinapataw sa industriya ng pelikula tulad ng income, excise, value added at amusement tax.

Pahayag pa ni Revilla, maraming naapektuhan na mga tauhan sa industriya ng paggawa ng pelikula at maging ang mga producers, pati na ang movie houses at mga manggagawa sa likod ng camera.

Concerned siya sa mga ito dahil kung lugmok ang industriyang ng pelikula at marami ang mga taong umaasa rito ay siguradong lugmok rin ang mga ito.

Ngayon at bukas na ang mga sinehan ay marami pa rin sa mga manonood ang bantulot na manood sa sinehan dahil sa mga ipinapataw na restrictions at kasama na rin dyan ang mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

At dahil si Senator Revilla ay taga-industriya rin ng pelikula ay ramdam niya ang paghihirap ng industriya at mga tao sa paligid nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *