Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Bus companies, naguguluhan sa mga deadline

Kamakailan lamang ay napabalita na ang mga driver at konduktor ng mga bus ay makakatanggap ng mimimum wage na sahod bilang pagtugon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa dumaraming ulat ng mga aksidenteng nagaganap kaugnay ang mga public utility vehicles. Sa paglabas ng panukalang ito, nahihirapan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil kailangan pang kumuha ng mga bus companies at franchisers ng labor standard compliance certificate na hanggang ngayon ay hindi pa tapos ayusin ng nasabing ahensya para maibigay sa mga franchisers. Ayon kay Atty. Grace Adducol ng Metro Bus Transport Club na sila mismo ay naguguluhan dahil naglabas ang LTFRB ng anim na buwang palugit sa pagkuha ng certificate samantalang utos ng DOLE na mayroon silang halos dalawang buwan upang ayusin ang kanilang mga dokumento. (Manila Bulletin)